Kabanata 1

14.2K 584 102
                                    

Naghuhuramentado ang puso ko dahil sa ginawa niya sa akin. Alam niya talaga kung paano niya ako patatahimikin! Ang hilig niyang humalik! Hindi niya ba alam na nababaliw ako sa tuwing magtatagpo ang mga labi namin?

Sobra akong nagulat sa kanyang ginawa kaya hindi ko namalayan na umaandar na pala ang kotse niya. Kung may lakas na ako ngayon, baka sinabunutan ko na siya. But what he did made me tremble. Sa halik niya pa lang, nanghihina na ako.

Sa gilid ng mata ko ay nakita ko ang pagsulyap niya sa akin. Bumuntonghininga siya. "I'm sorry kung hinalikan kita. You're so stubborn. Gusto lang naman kitang ihatid pauwi."

Ibinalik niya ang tingin sa daan.

Hindi na lamang ako umimik at saka napatingin na lamang sa bintana. Bakit ba kailangan niya akong halikan para tumahimik ako? At infairness, ang galing niyang humalik. Sigurado ako na marami na siyang nahalikan. Sa postura pa lang ng lalaking ito, sigurado ako na marami na siyang natikman na labi at tingin ko rin, hindi lang sila habang halikan. Bukod doon, sigurado rin ako na marami na rin siyang napaiyak na babae.

Hanggang sa makarating kami sa tapat ng apartment ko, hindi ako umimik. Ako na rin mismo ang nagbukas sa pinto ng kotse paglabas ko at akma ko sanang isasara nang bigla niyang hinawakan ang kamay ko. Napatingin ako sa kanya.

"Ano?" iritado kong tanong.

Natigilan ako nang bumaba ang paningin ko sa kanyang mapupulang labi. Bahagyan akong napatitig doon habang siya ay nagsasalita.

Buang ka na, Sarah Jade!

"I'm sorry about the kiss. But please let me court you again," he pleaded.

Bakit ba kasi ganiyan? Mukha kasi siyang iiyak at sinsero talaga. Gosh ang hirap.

"Jade..."

Napakurap-kurap ako at doon ako natauhan. Iniwas ko ang tingin sa labi niya at tiningnan siya.

Ano ba itong iniisip ko? May pagnanasa ba ako sa labi niya? Ano? Nagustuhan ko rin ba ang halik niya?

Medyo napatalon ako sa gulat nang haplusin niya ang kamay ko kaya inilayo ko ito mula sa kanyang pagkahawak at saka tumikhim.

"Ano?"

Hindi ko kasi narinig ang kanyang sinabi sa akin kanina.

"I want to court you again," wika niya.

Umawang ang labi ko at hindi na makapaniwala sa kanya.

What the hell? Again?

"Bakit ayaw mo pa ring tumigil?" hindi ko mapigilang magtanong at kahit sobrang tensyon na sa pagitan namin, hindi ako nagpadala roon. "Ilang beses na kitang tinanggihan, Ethan. Sana naman ma-realize mo na iyon."

"Because you are my star," sagot niya na nagpangiwi sa akin.

Star? Ano? Star margarine?

Napangiwi ako kasi ang jeje sa pandinig. Hindi ko akalain na jejemon pala itong si Ethan.

"Star?" Kinunutan ko siya ng noo. "Ano ba ang pinagsasabi mo?"

"You are the brightest star in my life, Sarah Jade. I always look at the night sky sa tuwing tinatanggihan mo ako. I wish upon a star that someday you will be mine."

Umatras ako. "Pero hindi ako papayag, Ethan. Ayaw ko na ligawan mo muli ako."

"Saka lang ako titigil sa panliligaw sa iyo kapag wala nang bituin sa langit."

Namilog ang mata ko. "But that's impossible!"

"You're right. That's why it's impossible for me to stop lalo na ngayong lumalalim na itong nararamdaman ko sa iyo."

Wala sa sariling napatingin ako sa kalangitan. Marami ngang mga bituin ang nagniningning. Parang sa isang iglap, gusto kong maabot ito. Back when I was a kid, I always wanted to reach the stars. I wanted to chase it. I wanted to feel it. They represents hope and freedom, na wala sa akin ngayon.

"Ang ganda," wala sa sariling sambit ko.

"Oo nga, ang ganda."

Naibaba ko ang tingin ko kay Ethan na nasa akin pa rin ang tingin. Nasa loob pa rin siya ng kotse kaya tingin ko, hindi niya naman nakita ang star sa langit.

"Ang ganda mo. Para kang bituin na kumikinang sa langit," makahulugan niyang sambit at napalunok ako nang bumaba siya sa kotse at saka lumapit sa akin. Nasa tapat na kami ngayon ng gate ng apartment ko. "Para kang bituin, ang hirap mong abutin."

"Ethan!"

Napasandal na ako sa gate dahil patuloy ang kanyang paglapit sa akin. Nang sobrang lapit na niya, hinawakan niya ang kamay ko at saka napasinghap ako nang inilapit niya ito sa kanyang labi at hinalikan ang likod ng palad ko.

"But even if you're unreachable, hindi ako titigil. I will still chase you, Sarah, kahit ilang beses ka pang tumakbo palayo sa akin. I will still chase you hanggang sa ikaw na mismo ang titigil sa pagtakbo palayo sa akin."

All the guys I had before have never been this sweet to me. Hindi sila ganito ka-patient and mostly, katawan lang talaga ang habol nila sa akin. Pero nang tanggihan ko, bigla na lamang nanlamig at naghanap ng iba.

Ang mga naranasan ni Mommy ay naranasan ko na rin. Nang maghanap ng iba si Daddy, hindi lang siya ang nasaktan at naapektuhan kundi ako rin. So, I had a hard time whether to accept Ethan in my life or not dahil na rin sa mga naranasan ko sa mga ex ko na sex lang ang habol ay ayaw ko nang maranasan ulit. Mga mukha talagang bilat!

Pero hindi ko maiwasang mabilib sa kanya dahil sa tyaga at tatag niya. Anim na beses ko na siyang binasted pero masyadong makapal ang mukha niya't nagpatuloy pa rin.

"I will court you again, Sarah Jade," aniya matapos niyang halikan ang kamay ko. Binitiwan na niya ito at saka umatras na. "Good night."

At saka sumakay na siya sa kotse niya at umalis na.

Kinabukasan, hindi nga ako nagkamali sa aking hinala at nanligaw na naman muli si Ethan. Bumungad sa akin ang isang bouquet ng red tulips, mga paper bags na puno ng chocolate at human size na teddy bear.

Hindi ako makapaniwala sa aking nakita at si Diana naman ay mukha nang binudburan na uod sa gilid ko.

"Ate, ang swerte-swerte mo!" tili niya.

Hindi ko mapigilan ang mapangiti. Lumapit ako sa isang paper bag at kinuha ang sticky notes na may nakasulat doon.

'Hey, my star! I can't visit you today because I have work. But I hope you like my presents.'

Napatingin ako sa may pintuan at nadismaya nang hindi ko siya nakita. Hindi ko deserve ang ganito. I rejected him six time and yet, he is so persistent! Hindi ko siya minsan narinig na nagreklamo.

My past boyfriends told me that I was hard to get and that no man would stay with me forever because of my attitude. Pero tingin ko,  I finally found someone who would stay by my side forever. 

Chasing StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon