Kabanata 5

7.5K 336 55
                                    

"Ready ka na ba sa interview mo?" Lorraine asked.

Si Lorraine ay isa sa mga ka-workmate ko sa dati kong trabaho. Mabuti at nagpapansinan pa rin kami ngayon. May job hiring kasi at interview agad. Isang linggo na ang lumipas mula nang makita ko si Ethan. Naging busy kasi siya at sinabi ko rin na huwag niya muna akong gambalain dahil mag-a-a-apply ako ng trabaho. At ngayon ang interview ko. 

Pareho pa rin naman ang trabaho ko. Maging isang office staff ng isang kompanya. No one knows that I'm rich dahil hindi naman talaga ako mayaman. Magulang ko lang. I am trying to live my own life. 

"Oo," I replied.

Nagmamadali kong sinuot ang takong ko. Katawagan ko kasi siya ngayon at mukhang pinaalala niya sa akin ang dapat dalhin dahil makalimutin ako.

"Sige, wait lang ako rito. Medyo marami nang pila pero keri iyan!" aniya bago ibinaba ang tawag.

I sighed and looked at myself in the mirror. "Ang ganda ko talaga!" I grinned.

Inayos ko ang damit ko na corporate attire at saka naglagay ng light lipstick. One of my insecurities is my lips. Iyong lips ko ay katulad ng kay Anne Curtis. Kay Anne Curtis kasi, bagay sa kanya, sa akin mukhang hindi. Balak ko ngang magpa-opera nito kaso ayaw ni Mommy. 

 Ipinilig ko na lang ang ulo ko at napanguso nang biglang mag-beep ang phone ko. Kumunot ang noo ko at saka inabot ang phone na nasa gilid lang ng envelope ko na may lamang documents.

Hindi ko mapigilan ang mapangiti nang makita ko ang pangalan ni Ethan sa screen. Day by day, hindi ko na talaga maitanggi sa sarili ko. Masyado nang halata para itago pa. Gusto ko na siyang sagutin pero may hesitation pa rin sa part ko.

Sinilip ko ang kanyang text.

Ethan:

Kumain ka na? Gusto mo ihatid kita patungo sa interview mo?

Unang napansin ko sa kanya ay ang pagiging supportive niya. I smiled while reading his message. Umupo ako sa upuan at nagtipa ng reply.

Ako:

Oo, kumain na ako. Hindi mo na ako kailangan ihatid. Mag-focus ka muna sa work mo.

After I sent the message, I put my phone on my pocket and stood up. I looked at my wristwatch and I slightly panicked when I saw the time. Agad kong kinuha ang envelope ko at saka lumabas ng apartment. Naabutan ko si Tita Lera na nagwawalis sa tapat ng gate at nang napansin ako ay huminto siya sa pagwawalis at manghang-mangha akong binalingan.

"Ang ganda mo, hija!" she complimented me as she looked at me from head to toe. "Saan ka tutungo at bihis na bihis ka?"

I smiled at her. "Interview ko kasi ngayon."

"Mabuti naman at naisipan mo nang magtrabaho ulit. Sobrang bagot na bagot ka na siguro."

Umiling ako at saka binuksan ang maliit na gate. "Hindi po. Wala na kasi akong pera kaya kailangan ko ng trabaho."

"Sus, hindi ka naman nauubusan ng pera, eh!" she joked.

I laughed and waved my right hand to her before I walked away.

Sakay lamang ng bus ay nakarating ako sa kabilang bayan. Hindi naman kasi talaga gaano kalayo ang Empire Company dahil malapit lang din ito sa dati kong pinagtatrabahuan.

"Uy!"

I stopped from walking when I heard Lorraine's voice. Napangiti ako nang nakita ko si Lorraine na kumakaway habang ang isang kamay niya ay may dalang folder. Lumapit ako sa kanya at saka nagbeso-beso.

Chasing StarsWhere stories live. Discover now