Kabanata 7

5.6K 236 14
                                    

“Marunong ka ba talagang magluto?” nagdududa kong tanong nang makabalik kami sa apartment ko. “Or you are just pretending para ma-impress ako?”

Mahina akong napasinghap nang binalingan niya ako at inilapit ang sarili. Niliitan niya ako ng mata.

"It's natural for men to cook. Gusto mo bang magluto ako ng masarap?"

Napangiwi ako. "Hindi naman lahat ng lalaki ay marunong magluto o hindi kaya marunong sa gawaing bahay."

He smirked. "I may be rich, but I know how to cook. Ako ang nagluto sa sarili kong pagkain sa condo ko.”

I rolled my eyes. “Sige nga! Magluto ka!” Inayos ko ang plastic bag na may laman na mga groceries. “Sarapan mo, ah! Para naman maganahan akong kumain!”

He winked. "Sure."

Napailing na lamang ako at saka iniwan siya sa kusina. Sinilip ko ang phone ko nang mag-vibrate ang phone ko. Umupo ako sa sofa at napabuga ng hangin.

Sino naman ang nagte-text ng ganito kaaga?

Nang buksan ko ang phone ko, tumambad sa akin ang text ni Daddy na nagpatigil sa akin. Biglang nawala ang mood ko nang nabasa ko ang kanyang mensahe.

Dad:

Darling, how are you? I am still hoping. Please meet me.

Kailan ba siya titigil? Sinabi ko na sa kanya ang gusto kong sabihin. The moment he left us, wala na rin siyang anak. Hindi ko na siya Daddy. He's one of the reason kung bakit ako ganito. Kung bakit nagbago ang takbo ng buhay ko. Kung hindi lang sana siya gano'ng klaseng tao, sana masaya pa rin kami ngayon at hindi ko na kailangang tumira pa sa malayo.

The first person who broke my heart wasn't my ex-boyfriend. Si Daddy iyon at hindi ko pa rin makalimutan. Hinding-hindi.

Inis kong in-off ang phone ko at napasimangot. Sana sarapan ni Ethan ang luto niya nang gumaan naman ang pakiramdam ko ngayon. Isinandal ko ang sarili ko sa sofa at napapikit.

I'm already 26 years old at hindi pa rin maayos ang desisyon at direksyon sa buhay. Hindi pa rin ako nagse-settle down. Para lang akong asong kalye na pagala-gala na walang alam kung saan tutungo. Gusto ko lang naman makalayo sa sakit.

Kung hindi lang ako na-short ngayon ng pera, baka nasa ibang bansa na ako ngayon.

"Ethan." Dumilat ako at saka umayos ng upo. "Tapos ka na ba o baka naman sinunog mo ang kusina ko kasi hindi ka marunong?"

Nang hindi sumagot si Ethan, napatayo ako para silipin siya. Medyo bad trip kasi ako ngayon kaya padabog akong naglakad patungo roon.

“Ethan, ano ang—”

Naitikom ko ang bibig ko nang nakita kong naka-apron lamang si Ethan at wala pa siyang damit pang-itaas. Napalunok ako nang makita ko ang pag-flex ng kanyang muscles habang naghihiwa siya. Nakatalikod siya sa akin kaya ang hot niya tingnan. Bigla tuloy ako nakaramdam ng kiliti sa aking tiyan. Alam ko naman naa-appeal siya pero hindi ko akalain na ganito siya ka appeal sa akin. At isa pa, bagay na bagay sa kanya ang puting apron. Para siyang hot daddy.

Kinagat ko ang ibabang labi ko at tumikhim.

“B-Bakit ka nakahubad? Hindi ito Adonis, ha!”

Napamewang ako at pinilit ko talagang itago na affected ako sa nakita. Bumaling siya sa akin.

"You should watch me, Sarah Jade." He grinned. "I'm sure you'll scream once you taste my—"

"Anong sisigaw? Yawa ka! Ang bastos mo, ah!" Uminit ang pisngi ko at kumawala sa pagkamewang.

Umawang ang labi niya. “What are you talking about? Ang pagkain na lulutuin ko ang tinutukoy ko, Sarah Jade. Sisigaw ka sa sarap kapag natikman mo. Ano ba ang iniisip mo?"

Bumilis ang tibok ng puso ko. Akala ko…

Niliitan niya ako ng mata at saka napaharap siya nang tuluyan sa akin, iniwan ang hinihiwa niya. Pumorma din ang pilyong ngiti niya. "Are you thinking about something else? Can you share it with me?"

“Ha?” pagalit kong sambit. “M-Magluto ka na lang diyan! Ang dami mong sinasabi! Huwag ka na talagang aapak dito kapag hindi iyan masarap!”

Agad akong umalis at tumakbo ako patungo sa kwarto ko. Sarah! Ano ba ang iniisip mo? Nababaliw ka na ba? Pinagsasampal ko ang aking sarili at gumulong-gulong sa kama.

“Omg!” tili ko. “Nakakahiya ka talagang babae ka!”

Tinakpan ko ang mukha ko ng unan at saka sumubsob doon. Mag-iingat na talaga ako sa mga iniisip at sa mga sasabihin ko.

***

“Ta da!” Ethan pulled a chair for me.

Nalula ako sa kanyang niluto. He cooked tinolang isda pero sa pag-amoy ko pa lang, alam ko na masarap. Pero poker face lang ang mukha ko dahil baka lalaki ang ulo kapag pupuriin ko.

“Salamat.” Tumikhim ako at saka kumuha ng pinggan na nasa gilid lamang.

“I hope magustuhan mo ang tinola, Sarah Jade." He gave me a glass of water. Nagulat ako sa ginawa niya pero hindi ko iyon pinahalata. "Nagluto rin ako ng piniritong isda."

Hindi ako nagsalita at saka nagsandok na ng kanin. Alam ko na nag-effort siya nito at hindi naman puwedeng baliwalain ko ito. Hindi naman ako pabebe na tao.

Tinikman ko ang sabaw ng tinola at napapikit ako dahil sa sarap.

“How does it taste?” nag-aabang na tanong ni Ethan. Hindi pa nga niya ginagalaw ang pinggan dahil nag-aabang siya sa sinabi ko.

“Matabang,” I joked.

Napawi ang kung anong naramdaman niya. “You’re joking, right? Mom loves my tinola. And you just—”

“Masarap, gago ka!” bawi ko sabay ngiti sa kanya. “Puwede ka nang mag-asawa.”

Nagsimula na akong kumain.

“If you want, I will marry you,” he said in a serious tone.

Nalaglag sa pinggan ko ang sinubo kong kanin dahil sa kanyang sinabi. Natawa siya nang nakita niya ang kadugyutan ko.

“A-Ano?” Gulat ko siyang tiningnan.

Ngumiti siya nang matamis sa akin. “We’re both old enough, Sarah. Kapag nasa relasyon na tayo, hindi ko na iyon patatagalin. I'll marry you as soon as possible."

Umawang ang labi ko at napalunok. Ramdam na ramdam ko ang kiliti sa tiyan ko at napakagat ako sa aking labi. He knows how to make me blush, huh? Paano niya kaya nagawa iyon?

But what? Marry? Is he serious?

Nanginig ang kamay ko pero hindi ko iyon pinahalata. “K-Kumain na nga lang tayo. Alam ko na may trabaho ka pa ngayon.”

Kinunutan niya ako ng noo. “I don’t have work today. I’m here to spend my time with you.”

Natigilan muli ako. Kinuyom ko ang isang kamay ko na nasa ilalim ng lamesa at saka tumango.

“Sige, we will do that, Ethan,” I said and looked at him. “We will spend our time together today.”

Chasing StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon