"Sorry Tita. I got excited to see my girl. Audrey, are you okay? Kamusta?" he smiled again.

May kung ano sa aura niya na mapapangiti ka. But I didn't smile. Parang may kung anong nagpapagulo sa isip ko.

"Who are you?" kunot noo ko siyang tinitigan. Ito ba ang unang pagkakataong nakita ko ang lalaking ito sa loob ng isang linggo dito sa beach house?

Nakita kong natulala siya sa tanong ko.  Unti unting nawala ang ngiti sa mga labi niya. Tumingin siya kay Mommy. Hindi ko alam pero parang nag-uusap silang dalawa gamit ang mga mata o di kaya paranoid lang ako sa mga nangyayari sa akin. Bago sila para sa akin kaya ang hirap. Ang hirap magtiwala. Kasi kahit sarili ko, hindi ko kilala.

Lumapit sa akin si Clevor. Tumayo ako bigla. Parang nakaramdam ako ng pagkailang sa hindi malamang dahilan. Huminto siya bigla nang makita ang reaksyon ko. Ayaw ko siyang malapit sa akin. Nakita ni Mommy ang lahat kaya tumayo narin siya't tumabi sa tabi ko.

"U-Uhm.. Clevor, dalhin mo nalang sa kusina ang mga dala mong pagkain. Ihahatid ko lang sa itaas si Audrey."

Tiningnan ko si Clevor. At hindi ko inaasahang makakakita ako ng kalungkutan sa kanyang mga mata habang nakatingin sa akin. Pero mabilis niya itong pinalitan ng masayang ekspresyon gamit ang ngiting kanina niya pa ipinapakita.

Who are you Clevor?

Ipinilig ko ang ulo ko kasi parang bumibigat ang pakiramdam ko kung mag o-overthink nanaman ako.

"Sa baba lang ako hija. Kapag nagutom ka o kung gusto mong maglakad lakad, just call me okay?"

Tumango ako bilang sagot. Parang bigla akong nakaramdam ng pagod. Pagod sa lahat ng bagay. Pagod sa lahat ng tanong na naririto sa isip ko. Napakaraming tanong na kailangan ng kasagutan.

Inilibot ko ang paningin ko sa buong kwarto. Maraming gamit ng babae. The color of my room is sky blue. The color of the sky. It gives me peace of mind. Napakagandang kulay.

Napatingin ako sa drawer na nasa gilid ng kama ko. Siguro may mga pictures na nakatago? Lumapit ako sa drawer but walang pictures. Puro mga suklay, make ups, and other make up kits na pambabae. Yumuko ako, may isa pa pala na hindi ko nabuksan. Kumunot ang noo ko nang binuksan ko ito. May isang papel na mukhang letter. Kinuha ko ito at binasa.

"Happy 1st Monthsary Love! I love you so much!"

-C

C? Clevor? Maybe its him. Siya lang naman ang tumawag sa akin kanina ng love unang pagkakita ko sa kanya. Why would he call me love? Magkasintahan ba kami? Are we a sort of couple?

Nadagdagan pa ng tanong ang mga katanungan ko ng letter na ito. Ano ko ba si Clevor?

Lumapit ako sa bintana. Nasaan ba ako? Anong lugar ito? Nasa isla ba kami? Malayo ba ito sa syudad? Gusto kong umalis. Gusto kong pumunta sa lugar kung saan maraming tao.

Buo ang loob ko. Pupunta akong... Saan nga ba? Sa dinarami raming lugar saan nga ba ako pupunta? Iiling iling akong napaupo sa kama. Ba't ang tanga mo Audrey? Ni wala ka ngang matandaan! Sariling ina mo hindi mo matandaan! Sariling taong minahal mo---wait! Mahal ko nga ba siya? Sino ba si Clevor? Ugh! Nakakafrustrate!

I need to get dress.

Matapos maligo ay narito ako ngayon sa harap ng walk in closet ko. Is this really all for me? Napakaraming damit! Parang isang buong kwarto. Napakarami na hindi ko na alam kung alin ang susuotin ko. Pero siyempre kailangang pumili.

At sa huli ang nagwagi ay ang isang fitted black dress. Napakacasual lang nito. Hindi ko alam pero sa lahat ng mga damit na narito, itong plain black dress lang ang nakakuha ng atensyon ko.

IntricateWhere stories live. Discover now