XXXII
Red-Handed
Y O O N D A E
“Guys, ano ba? Let’s stop crying,” sumisinghot na sabi ni Hitomi saka pinunasan ang basang pisngi niya. Naramdaman ko namang may nakadikit na tela sa pisngi ko at nang tignan ay nakita ko si Sage na inaabot sa akin ang panyo niya. Hindi na ako nagreklamo pa na baka ginamit na niya ‘yon at tinanggap na lang ito para punasan din ang basang pisngi ko.
“We should be happy. After all, this will be the last time na magkakasama tayo,” dagdag pa niya.
“Okay then, let’s have another round.” Sambit naman ni Hanna saka niya binalasa ang mga baraha.
Nagsi-ayos kaming lahat. Muling bumalik si Sage sa pwesto niya kanina. Sa aming lahat ay kaming tatlo lang naman nila Hitomi at Hanna ang umiyak. The boys were strong enough to hold back their tears, including Chin.
Nang matapos ibalasa ni Hanna ang mga baraha ay binigyan niya kami ng tigdi-dalawa. Isang jack of clubs at four of hearts ang nakuha ko. So I asked Hanna for another card and I almost jumped in victory when I finally saw what she gave me.
Five of diamonds! The value of my card is exact nine! I won!
Dala ng sobrang pagka-excite ay agad kong ini-reveal ang baraha ko dahil alam kong ako na ang panalo sa round. They all grunted in frustration, especially Bro who really wanted to win so bad.
“It’s my turn to ask now...” I muttured to myself while thinking of any possible questions that I can come up.
Ngunit hindi pa man ako nakakapagbitaw ng tanong ay natigil ang aming paglalaro nang makarinig ng sigawan sa hindi kalayuan.
Lahat kami ay napatingin sa lobby kung saan nanggagaling ang mga boses na nagsisigawan. Hanggang sa unti-unting luminaw ang mga boses ng dalawang nagtatalo at lumabas galing mula sa kabilang bahagi ng mansyon sila Charm at Aubrey. Huminto silang dalawa sa mismong harapan ng living room kung nasaan kami.
“Why did you even tell them that it was me?!” Hindi ko maiwasang magulat nang makita kong sigawan ni Aubrey si Charm.
As far as I know, both Crista and Aubrey never dared to go against Charm, their leader. So it’s really surprising to see Aubrey arguing with Charm. This must be a serious situation.
“Dahil ikaw naman talaga ‘yon! I finally remembered it! I couldn’t be wrong!” Sigaw rin ni Charm pabalik sa kanya.
Mula sa gilid ko ay narinig kong nagsalita si Hanna ng pabulong. “Ano bang pinag-uusapan nilang dalawa?”
“Hindi ba dapat, awatin na natin sila? Baka kasi tuluyan silang mag-away,” nag-aalalang sabi naman ni Hitomi.
Bro was just about to stand up to do exactly what Hitomi said but then he stopped mid way when we all heard Aubrey talked again.
“I told you! Hindi ko nga tinawagan si Crista noong umaga, nang araw na pinatay siya. Bakit ba hindi ka naniniwala sa akin?!”
We were all intrigued so none of us decided to interfere with what’s happening. Bro went back to his seat. We remained silent as we watched those two argue as if they don’t mind our presence. Or maybe they don’t really see us because they were too busy.
STAI LEGGENDO
CTRL + C
Mistero / Thriller"Someone's pretending to be me---killing people and putting the blame on me!" Everything seemed normal at first but things began to mess up when Yoondae Glendale transferred into her new school. It all started when someone from their class got murde...
