VI
Rabbit Hole
Y O O N D A E
Isang tunog na nagmumula sa school bell ang gumising sa akin mula sa maayos na pagkakatulog ko sa armchair, hudyat na tapos na ang klase ngayong araw. Nag-unat muna ako dahil ngayon ko lang naramdaman ang pangangalay ng mga braso ko. Saka naman ako tumayo at isinukbit na ang bag ko sa balikat. Naramdaman ko pa ang pamamanhid ng pang-upo ko dahil hindi ako tumayo simula pa kanina.
Inilibot ko muna ang tingin sa buong classroom at nakitang kaunti na lang pala kaming natitira rito. Sina Sage, Chase, Bro at Dave na lang ang natitira habang nakita kong kalalabas lang ni Joseph.
“Sumali ka naman ngayon sa laro Sage, ‘di ka na sumali kahapon!” Rinig kong reklamo ni Dave na tinapunan lang ng bagot na tingin ni Sage.
Muli ko namang naalala kanina na pagkatapos naming tumambay ni Sage sa school garden ay napagpasiyahan naming bumalik sa last subject. Nang makabalik kami ay muli na namang napako ang mga tingin nila sa akin. Kaya naman imbes na makinig sa klase at tiisin ang panaka-nakang tingin nila ay mas pinili ko na lang na matulog.
Nag-umpisa na akong maglakad pero hindi pa man ako tuluyang nakakalabas sa classroom namin nang may marinig akong tumawag sa akin.
“Hi, Yoon—bae.”
Kahit na ayoko mang lumingon at pag-aksayahan pa ng oras ang taong ‘yon ay hindi ko napigilan. Awtomatikong binigyan ko nang masamang tingin si Chase na ngayon ay nakangiti ng nakakaloko sa akin.
“Sabi ko na nga ba ‘di mo ‘ko matitiis.” He said with his stupid smile plastered on his face. Girls in and outside our class always fall into a swoon at that sight—but not me. Nagawa niya pa akong kindatan sa kabila ng masamang tingin na ipinupukol ko sa kanya.
Randam ko namang unti-unti na akong nauubusan ng pasensya. He has been pestering me since day one. Hindi ko alam kung anong pakay niya o sadyang bored lang siya at ako ang naiisipang pagtrip-an. Whatever his reasons for doing this, hindi ako natutuwa. Isa rin kasi ‘to sa dahilan kung bakit mainit sa akin ang grupo nila Charm bukod pa sa interactions namin ni Sage.
“Could you please leave me alone from now on?” I said coldly. He blinked a few times and his smile slowly faded. Lumatay naman ang sakit sa mukha niya. If this is one of the little charades he has been pulling then I must say he’s a good actor.
Hindi ko na hinintay pa ang isasagot niya. Agad ko na siyang tinalikuran para umalis sa lugar na ‘yon pero bago pa man ako tuluyang makaalis ay narinig ko ang sinabi niya sa mga kasama niya.
“I just wanted to ask if she’s okay, I didn’t mean to irritate her.”
“Ikaw rin kasi alam mo na ngang may ugali ‘yong babaeng ‘yon.” Sagot ni Dave sa kanya.
Hanggang sa hindi ko na narinig pa ang mga boses nila dahil tuluyan na akong nakalayo.
As I walked out of the school building, I couldn’t help but think about his last words. Why would he ask if I was okay? If my memory serves me right, I don’t have any friends in this place. I made my point clear right from the start that I will never need one.
Sa sobrang dami ng mga bagay na iniisip ko ay hindi ko na siya pwedeng idagdag pa sa mga ‘yon. Kung ano man ang sinabi ko kay Chase kanina ay tama lang ‘yon sa kanya.
YOU ARE READING
CTRL + C
Mystery / Thriller"Someone's pretending to be me---killing people and putting the blame on me!" Everything seemed normal at first but things began to mess up when Yoondae Glendale transferred into her new school. It all started when someone from their class got murde...
