XV
Sacrificial Lamb
Y O O N D A E
Something heavy got off my chest the moment we left the police station. It was almost 8:30 p.m. when we arrived at Shigiyama High. Ang dami pang inasikaso ni Gunter na mga dokumento bilang guardian ko. Bukod pa roon ay nagpasya rin muna kaming kumain ng hapunan bago niya ako inihatid pabalik sa Shigiyama.
Nang makauwi sa dorm ay agad akong pinaulanan ng mga tanong nila Hitomi, Chin at Hanna. Masaya kong sinabi sa kanila ang balita na napatunayan kong wala akong kasalanan. Marami pa silang ibang tinanong at nag-iyakan pa sila Hitomi at Hanna dahil sa pag-aalala sa akin.
Kinabukasan ay late kaming nagising. Halos hindi kami magkandaugaga sa pagkilos pero hindi pa rin kami nakaabot sa breakfast. Nang makapasok sa loob ng classroom ay huminto pa si Hitomi at may tinignan na kung anong papel na nakapaskil sa pader sa gilid ng whiteboard.
It was the result of our midterm exams. Naka-base sa rankings ang pagkakasunod-sunod ng mga pangalan namin sa listahan. Hitomi got Rank 7, followed by Hanna in Rank 8. Chin got Rank 5 while I got Rank 13—the last rank.
Hindi ko alam kung bakit nalulungkot sila para sa akin gayong hindi ko naman talaga sinagutan nang maayos ang mga test papers dahil pinaghuhulaan ko lang ang ibang items. Nagulat pa nga akong pumasa ako, nevertheless ay satisfied na rin ako na lumagpas ng isang point ang score ko sa passing score. I don’t care about rankings, I passed and that’s what matters.
Muli kong ibinalik ang tingin sa listahan at nakitang rank 1 si Sage, bagay na hindi na nakakapagtakha. Sunod sa listahan ay si Daryl. Hindi ko maiwasang malungkot nang mapagtantong hindi na niya malalaman ang rank niya.
Bago pa tuluyang dumating si Ms. Cris at mapansing late kami ay nagpasya na kaming maupo sa mga sariling upuan. Ngunit bago ko pa man marating ang sa akin ay agad akong hinarangan ng tatlong pares ng mga sapatos. Nang iangat ang tingin ay hindi na ako nagulat nang makita ang grupo nila Charm.
“Nakakulong ka na kahapon ‘di ba? Bakit nandito ka?” Sinadya niyang lakasan ang boses niya dahilan para makuha namin ang atensyon ng mga kaklase.
“Napatunayan kong inosente ako kaya ni-release ako. Pwede ba? ‘Wag mong sirain ang araw ko dahil baka sirain ko rin ‘yang mukha mo.” Nagawa kong lampasan silang tatlo pero bago pa man ako tuluyang makarating sa upuan ko ay napatigil ako sa mga sumunod na sinabi niya.
“This bitch has the audacity to show her face after she got caught of killing Daryl. Ang tibay din ng sikmura niya ‘no?” She said, completely ignoring my threat.
“Alam mo ba kung anong pinagsasasabi mo?” I asked but she didn’t answer.
“May alam akong bagay na hindi niyo alam lahat dito,” aniya saka inilibot ang tingin sa buong klase. “She also killed Kojack!”
Kagaya ko ay sabay ring nagulat ang mga kaklase ko. Paano niya nalaman ang tungkol sa bagay na ‘yon? I looked at the only group of people who knows about this but just like me, they also look clueless.
Hitomi rose up from her seat and rushed to my side. “Hoy mga bintangera kayo! Sinabi ni Ms. Cris na namatay si Kojack sa sakit niya! Walang pumatay sa kanya!” She yelled at them, trying to defend me. Iyon din ang alam ng iba sa mga kaklase ko, namatay si Kojack dahil sa sakit niya dahil kapag nalaman nilang may pumatay dito ay magpapanic sila.
YOU ARE READING
CTRL + C
Mystery / Thriller"Someone's pretending to be me---killing people and putting the blame on me!" Everything seemed normal at first but things began to mess up when Yoondae Glendale transferred into her new school. It all started when someone from their class got murde...
