"Someone's pretending to be me---killing people and putting the blame on me!"
Everything seemed normal at first but things began to mess up when Yoondae Glendale transferred into her new school. It all started when someone from their class got murde...
“Nakausap ko si Mr. Mike Fetalvero sa Shigiyama High School,” panimulang wika ni Detective Denver kaharap ang tatlong iba pang mga kasama sa isang maliit na opisina. Sa lamesang nasa harapan nila nagkalat ang mga dokumento ng mga kasong pinag-aaralan.
Muli siyang nagsalita nang walang makuhang tugon mula sa mga kasama. “I brought up to him first the topic about the 1986 murder case. He looked surprise. He thought we were only going to discuss about the serial killings in Class 6 – A. He dodged the questions I was throwing to him about the case saying that the it was already over long time ago. He also insisted that there was no need to bring it up again because it wasn’t relevant to the present case.” Paliwanag niya sa mga ito habang nilalaro ang isang ballpen sa kanang kamay, naghihintay ng reaksyon nila.
“Siya ang tipo ng tao na ayaw masayang ang oras dahil iniisip niyang wala na ‘tong kinalaman sa kaso ng Class 6 – A ngayon,” komento ng isa sa kanila habang tinatapik ang paa sa tiles ng opisina na para bang nakikinig siya ng musika.
“Pero may kinalaman ‘yon sa kaso, bagay na pinaliwanag ko sa kanya kanina.” Giit ni Detective Denver saka lumapit sa investigation board na naglalaman ng apat na kasong pinag-aaralan nila. “Look here, si Artemus Sinclair ang salarin sa parehong 2006 at 2012 kidnapping cases,” he explained, pointing the serial killer’s picture pinned on the board. “At ang mga survivors noong taong 2012 ang mga estudyante ngayon ng Class 6 – A. Habang ang nag-iisang survivor noong 2006 ay ang class adviser ng Class 6 – A na si Ms. Lexi Crisanta,” mahabang paliwanag niya sa mga kasama habang sinusundan ang mga sinulid papunta sa mga litrato ng mga survivors.
“At ang unang killer na nahuli natin mula sa Serial Killing Case sa Class 6 – A ay si Lewis Sinclair...” itinuro niya ang litrato ng binata saka sinundan ang sinulid na direksyon pabalik sa unang litrato kanina. “...anak ni Artemus Sinclair.”
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Muli siyang bumalik at naupo sa swivel chair at hinarap ang mga kasama. Sa pagkakataong ito, tuluyan niyang napukaw ang interes nila.
“I explained that to him but he told me that I didn’t make sense. In the end, he still insisted to change the matter being discussed.” The detective sighed when he remembered that encounter with the principal of Shigiyama High. He really wanted to discuss about the 1986 murder case but he miserably failed.
Isa sa mga pulis ang nagtanong. “Did you mention to him about his picture that we found on Lewis’ own investigation board?”
“Of course,” Detective Denver even nodded with conviction. “After all ‘yon naman talaga ang dahilan ko kung bakit gusto ko siyang makausap tungkol sa kasong ‘yon.”