13 | Falsely Accused

122 4 0
                                        

XIII
Falsely Accused


Y O O N D A E

I know that I was clearly at fault. Pinakialaman ko ang gamit niya. Sadyang usisera at pakialamera talaga ako. I tend to satisfy my curiosity without knowing the consequences it may lead. I was curious about the bracelet and this is the consequence. So I know I was at fault. But it doesn’t give him the right to yell at me.

I should be mad right now. I should’ve taught him his lesson. My fist should’ve landed on his face the moment after he yelled at me. But seconds has already passed, we were still shrouded by silence. I couldn’t punch him because I was feeling too weak.

Hawak ang perang nakuha ko mula sa coin purse niya ay tumayo ako at lumapit sa pinto para tawagin si Hanna. The latter responded and opened the door for us. Tinanggal din nila ang posas sa kamay naming dalawa.

“Sa lahat ng nahuli namin, kayo lang ang nagpyansa sa mga sarili niyo, ang laki ng kita namin! Sa susunod ulit—” Hindi ko na hinintay pang matapos ang sasabihin ni Hanna at nag-umpisa na akong lumakad paalis. “Hoy teka Yoondae, sa’n ka pupunta?” Mabilis siyang humabol sa akin at hinawakan ang braso ko para pigilan ako.

Imbes na sagutin ay tinapunan ko lang siya nang malamig na tingin. Saan pa ba ako pupunta matapos nilang sirain ang araw ko? Malamang ay magkukulong sa dorm. Nakita naman niya sa itsura ko na hindi na ako mag-eenjoy sa foundation day na ‘to.

Mabilis siyang yumakap sa akin na ikinangiwi ko. Halos ipulupot niya sa katawan ko ang parehong mga kamay niya. “Sorry na Yoondae! Huhu! Napag-utusan lang kami ni Sage! Sabi niya dalhin ka raw namin dito—”

“Hanna, get off me.”

“Promise mo, hindi mo ‘ko sasaktan ha?”

“Depende kung gaano katagal mo ‘kong hindi bibitawan.”

Agad naman siyang humiwalay matapos ang narinig. Nang malaya na ako mula sa mahigpit niyang yakap ay nag-umpisa na akong tumuloy sa paglakad paalis sa lugar na ‘yon. Pero bago pa man ako maka-tatlong hakbang ay may kamay na humawak sa pulsuhan ko.

“Aray!” Daing ko saka tinignan nang masama si Sage. Agad naman niya akong binitiwan nang mapagtantong hinablot lang naman niya ang ngayon ay namumula nang pulsuhan ko. “Ano ba?!” Inis na sigaw ko sa kanya.

Natigilan naman ang mga tao sa paligid namin. Lahat sila ay nahinto sa mga ginagawa na para bang nanonood ng isang shooting. Maging si Chin ay nabitiwan ang babaeng hawak niya para ikulong sa jail booth, hindi na niya ito pinansin kahit tumakas na ito. Napansin naman ni Hanna na may problema sa aming dalawa ni Sage.
My eyes were fixed on him and so he was. Usually his eyes were blank and dull, but now it was full of emotions.
He was confused, scared, mad—I wasn’t sure, there were too many emotions to read. I’ve never seen his eyes like this before. It was so enchanting and I was being hold captive by it.

How can that girl have this effect on him. Who is she?

“S-so…” He stuttered, couldn’t finish just a word.

Nanatili naman akong tahimik na hinihintay matapos ang sasabihin niya.

“S-s-swelling. It’s swelling. Dampian mo ng yelo.” Nasabi niya saka tinignan ang wrist ko. Matapos ‘yon ay saka siya umalis. Tumuloy naman ang iba sa kani-kanilang ginagawa samantalang nanatili pa rin akong nakahinto sa kinatatayuan ko.

CTRL + CTempat di mana cerita hidup. Terokai sekarang