12 | False Alarm

139 4 0
                                        

XII
False Alarm

Y O O N D A E

I immediately returned the newspaper back to where I found it. I hid both of my sweaty hands inside the pocket of my hoodie. Kailangan kong kalmahin ang sarili ko kaya naman naglakad ako pabalik-balik sa gilid ng simbahan.

I don’t want Mother Rita to see me in such state, sure she’ll get worried. Kaya naman nang makabalik siya ay agad na rin akong nagpaalam, sakto namang may gagawin na rin siya kaya nakaalis ako sa lugar na ‘yon nang hindi siya nagtatakha kung bakit ako nagmamadali.

Sa kotse, habang pauwi ay saka ko kinausap si Gunter tungkol sa nalaman ko.

“Gunter, I found out something strange today.” I blurted out. Saglit siyang napatingin sa akin, nagtatakha kung bakit pinansin ko siya gayong may tampuhan kami. Base sa ekspresyon ko ay alam niyang importante ang sasabihin ko.

“Hmm?” His eyes were still on the road.

“Nabasa ko sa isang dyaryo kanina. May serial killer na pagala-gala dito sa lugar na ‘to,” I paused for a moment, muli kong naalala ang nakita ko sa dyaryong 'yon. “And that serial killer looks exactly like Mr. Fetalvero.”

Nagulat siya dahil sa sinabi ko. Hindi niya malaman kung saan titingin dahil nagpalipat-lipat ang tingin niya sa akin at sa kalsada.

“T-teka, sigurado ka ba?”

I thought it was really Mr. Fetalvero at first, the serial killer on the newspaper but it turned out to be a false alarm. Pero nabasa ko ang pangalan nito. It was Artemus Sinclair.

“Magkaiba ang last name nila kaya sigurado akong hindi si Mr. Fetalvero ‘yon, pero magkamukhang-magkamukha talaga sila!”

“Ano bang pangalan ng taong ‘yon?” Tanong niya na ikinakunot ng noo ko.

“Pulis ka ‘di ba? Dapat alam mo kung sino siya.” Hindi makapaniwalang bulaas ko. Siya dapat ang unang nakakaalam nito sa aming dalawa.

Tumawa siya ng payak. “Yoondae, nakalimutan mo na bang hindi ako pumasok nitong mga nakaraang araw hanggang ngayon para samahan ka? Kaya nahuli na ako sa mga balita.”

“Whatever,” I said then rolled my eyes. “But I am wondering if they are twins or brothers.”

“Impossible, alam kong walang kapatid si Mr. Fetalvero.”

“How?”

“You see, they don’t have the same last name so clearly they are not related to each other.”

“Pero magkamukha sila!”

“You’re just mistaken. Nakita mo naman ang itsura ng taong ‘yon, napakalayo kay Mr. Fetalvero na disenteng tignan.”

“But Gunter—” Mabilis akong natigilan dahil sa sinabi niya.

Nanlaki ang mga mata kong napatingin sa kanya. Hindi niya napansin ‘yon dahil abala siya sa pagmamaneho.

Kukumprontahin ko sana siya pero agad ko na ring tinikom ang bibig ko, dahil paniguradong magsisinungaling na naman siya sa akin.

CTRL + CWhere stories live. Discover now