Chapter 26 (11/05/14)

Magsimula sa umpisa
                                    

            Hindi sumagot si Geo kaya naman napatingin ako sa kanya. Naka-focus lang ang tingin niya sa inihaw na mais na kinakain niya.

            “Halata nga ba?” inangat ni Geo ang tingin niya sa akin at ngumiti siya. “Hmm, siguro observant lang talaga ako, Rika.”

            Binigyan ko rin siya ng isang tipid na ngiti, “pero, salamat pa rin ha?”

            “Wala lang ‘yun. Nagkataon lang na napadaan ako at nakita ko ‘yun. But, uhmm, Rika, I know we’re still not that close and I am not in the position to give you an advice but, kung ano man ang nararamdaman mo ngayon, malalagpasan mo rin ‘yan.”

            “S-sana nga… k-kasi ang sakit pala ‘no? A-ang hirap mag move-on.”

            Huminga ako ng malalim at mapaiwas ng tingin kay Geo kasi ramdam ko na naman ang pangingilid ng luha ko.

            Nakakainis at nakakahiya. Naiinis ako sa sarili ko kasi hindi ko na ma-control ang emosyon ko at nahihiya ako dahil sa dinami-rami pa ng tao, si Geo pa ang napili kong dramahan.

            Naramdaman kinuha ni Geo ang kamay ko at nag-patong siya rito ng panyo.

            “T-thanks. Sorry talaga, ang drama ko..” sabi ko habang pinupunasan ko ang luha sa mata ko gamit ang panyo niya.

            “Rika, never namang naging madali ang pag mo-move-on eh. Tsaka ‘yung pagiging one-sided love? Ayan na ata ang pinaka-cliché na problema pag dating sa pag-ibig. Oo masakit. Pero wag kang mag-alala, hindi lang ikaw ang nakakaranas niyan. Marami tayo.”

            Napatawa ako sa sinabi ni Geo, “kung sabagay. Tama ka nga naman.”

            “O ‘di ba? Kahit ang corny ng sinabi ko, at least ngumiti ka na. Tsaka naku, brace yourself, may ma-me-meet ka pang sasaktan ka rin, pero wag kang mag-alala, pag dumating na ang para sa’yo, you’ll realized that all of the pain you have encountered is worth it.”

            Nginitian ko si Geo dahil parang biglang gumaan ang pakiramdam ko dahil sa sinabi niya.

            “Sana nga dumating na siya.”

            He chuckled, “malay mo kumukuha lang ng lakas ng loob para magpakilala sa’yo.”

            “Wag na siyang mahiya. I badly need him now.”

            Tinapik niya ang braso ko, “sa tamang panahon, Rika..”

[Timi’s POV]

 

            “Uh, si Rika ba at si Geo…?” takang-taka na tanong sa akin ni Kite habang nakatingin siya sa pinto ng ice cream parlor kung saan lumabas ‘yung dalawa.

            “Aba malay ko. Wala akong alam diyan. Nagtataka rin ako tulad mo!”

            Tinignan ako ni Kite, “’di ba close ka doon sa dalawa? Ba’t hindi mo alam? Ah! Hindi ka nila pinagkakatiwalaan ‘no?” pangaasar niya sa akin.

            “Heh! Ewan ko sa’yo! Tsaka teka nga nawiwili ka sa pag-akbay sa’kin!” inalis ko ang braso niya sa balikat ko. “Mag uusap tayo!”

            “Relax Timi. Oo maguusap tayo. Pero pwede bang ma-upo muna tayo at umorder?”

            “Okay fine!”

The Falling Game (EndMira: Ice)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon