Chapter 26 (11/05/14)

673K 14.5K 4.8K
                                    

Chapter 26

 

 

[Rika’s POV]

 

Hindi ako nagsasalita habang hila-hila ako ni Geo. Hindi rin naman siya lumilingon sa akin at tuloy lang siya sa pag hatak. Hanggang sa makarating kami sa park sa ‘di kalayuan sa school namin, doon lang huminto si Geo.

            Binitiwan niya ang pagkakahawak niya sa wrist ko at nilingon ako.

            “Gusto mo ba nang makakain?” naka-ngiting tanong niya sa akin.

            “H-ha?”

            Bigla siyang napakamot sa ulo, “sorry. I should’ve brought you in a restaurant or diner, pero nag crave kasi ako bigla sa isaw at Betamax eh. Malinis naman ang pagkain sa banchetto.”

            Tinuro ni Geo ang isang parte sa park kung saan maraming tent ang nakatayo at samu’t-saring mga inihaw at street foods ang paninda.

            “Uhmm Geo… uhmm.. s-salamat…”

            “Para saan?” pagputol niya sa sasabihin ko at nginitian niya ako. “Tara, kain tayo?”

            I smiled back then I nod at him. Sabay kaming pumunta sa banchetto.

            Usually, 6pm ang dagsa ng tao sa banchetto at dahil it’s still five in the afternoon, wala pang masyadong tao rito. Madali akong nakahanap ng pwesto habang si Geo naman ay nag prisinta nang bumili ng pagkain.

            Napa buntong-hininga ako.

            Sobrang laking pasasalamat ko at dumating si Geo kanina kung hindi baka nag mukha na akong tanga doon.

            Oo, alam ko namang gusto ni Kite si Timi eh. Pero sobrang sakit pa rin pala na makita. Yung tipong akala mo tanggap mo na ganun naman talaga ang sitwasyon pero pag nakita mo na, nag rerebelde pa rin ang puso mo.

            Bakit ba kasi nahulog ako kay Kite?

            “O, nakasimangot ka na naman. Ito isaw masarap ‘to.”

            Inangat ko ang tingin ko at nakita ko si Geo na masayang naka-ngiti sa akin habang inilalapag niya sa harap ko ang mga binili niya.

            “Ay wait, kumakain ka ba ng mga street foods?”

            Tumango ako, “oo naman.”

            Kumuha ako ng isang stick ng isaw at sinimulan ito kainin.

            “That’s nice. Ito o, bumili rin ako ng inihaw na mais.”

            Nginitian ko si Geo, “uhmm salamat talaga ha?”

            “Ha? Ah wala lang ‘to! Mura lang naman ang mga ‘to. Kain ka lang.”

            “H-hindi… ‘yung kanina… halatang-hala na siguro ako ‘no?”

            “Hmm? Na ano?”

            Iniwas ko ang tingin ko kay Geo dahil para akong biglang tinamaan ng hiya.

            “Yung nararamdaman ko kay Kite. Halatang-halata na. K-kasi kahit ikaw, alam ko nahalata mo na rin eh…”

The Falling Game (EndMira: Ice)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon