Chapter 28 (11/16/14)

695K 14.9K 2.9K
                                    

Dedicated to Lhene. Happy birthday! Thank you for being such a great friend! <3 

Chapter 28

 [Timi's POV]

"Umamin ka, gusto mo ba si Rika? Type mo ba siya ha?" tanong ko kay Geo habang idinuduro ko sa kanya ang french fries na kinakain ko.

        It's Saturday morning. Nandito kami ngayong dalawa sa Mcdonald's at nag b-breakfast. Actually, nagkataon lang talaga na nagkasabay kaming kumain dito. Nag jogging kasi ako habang siya naman ay tinamad magluto ng agahan kaya nag Mcdo na lang.

        "Alam mo Timi, sayang ang pag j-jogging mo. Tignan mo ang kinakain mo ngayon, puro ma cholesterol. Sayang naman ang na-burn mong fats."

        "Heh! Walang pakielamanan! Pero sagutin mo nga ang tanong ko. Do you like Rika?"

        Nginitian lang ulit ako ni Geo, "hot fudge sundae lang at fries, sapat na."

        Pinanliitan ko siya ng mata. Kanina pa ako tanong nang tanong kung gusto ba niya si Rika eh pero hindi naman niya ako sinasagot ng matino. At nakakaubos na nang pasensya ha! Pero pangiti-ngiti lang siya diyan na parang nangaasar pa rin.

        Napa-buntong hininga na lang ako, "okay fine. Kung ayaw mong sagutin edi wag!"

        Padabog kong kinain yung ilang fries habang naka-simangot ako. I heared Geo chuckled.

        "Ang pikon mo 'no?" natatawa-tawa niyang tanong sa akin.

        "Eh ayaw mo akong sagutin ng matino eh."

        "Bakit ba interesado kang malaman kung may gusto ako kay Rika o wala? Ikaw ha, don't tell me, nagiging lesbian ka na at nagugustuhan mo na si Rika?"

        "W-what the hell?! Anong conclusion 'yan?! Kung ganon ang nangyayari edi hindi ko na sana hinahabol-habol si Ice ngayon!"

        Tumawa ng malakas si Geo, "I'm just joking Timi! Wag kang seryoso. But anyway, kamusta naman ang pang su-suyo mo kay Ice?

Bumuntong-hininga ako at sumimangot.

            Nakakakilig ang nangyari sa amin ni Ice kagabi. Aba, nginitian niya na ako, tapos tinawanan pa! Pero naman kasi, naalala ko bigla si Kite at ang sinabi niya sa akin.

            “Oh, nakasimangot ka. Basted ka na naman ba?”

            Mas sinimangutan ko si Geo, “hindi ‘no! Pero kasi in love na ako kay Ice---”

            “Obvious nga.”

            “--at hindi ako papayag na hindi rin siya ma-inlove sa akin!”

            “Very Timi.”

            “Kaya lang si Kite,” bumuntong hininga ulit ako at ipinatong ko ang ulo sa mesa.

            “Edi basted-in mo siya.”

            “Kung ganun lang sana kadali yun, Geo. Kaso yung mga tipo ni Kite ang hindi tumatanggap ng rejection. He is so like me kaya alam ko. Isa pa, Rika likes Kite. Sa gagawin ni Kite, masasaktan si Rika.”

            Ipinatong ni Geo ang kamay niya sa balikat ko, “Timi, I know you are trying so hard not to hurt somebody, pero kasi hindi ganun nag w-work ang love eh. Meron at merong masasaktan at hindi mo maiiwasan ‘yun. But don’t worry, it’ll work out in the end.”

The Falling Game (EndMira: Ice)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon