Chapter 34 (12/7/14)

564K 14.8K 4.2K
                                                  

Chapter 34

 

 

[Timi’s POV]

 

“What are you doing here?” tanong ni Ice kay Kite habang seryoso siyang nakatingin dito.

            Okay, lagi naman seryoso ang tingin ni Ice, pero iba yung pagka-seryoso ng tingin niya sa pinsan niya. Para bang hindi niya nagustuhan na nandito si Kite ngayon.

            “Napadaan lang,” naka-ngising sagot ni Kite kay Ice na para bang inaasar niya pa ito lalo. Bigla naman niyang inilipat ang tingin niya sa akin. “Hi Timi.”

            “Hi Kite.”

            Biglang tumabi si Ice sa akin at nagulat ako dahil inakbayan niya ako. Napalingon ako sa kanya at seryoso pa rin siyang nakatingin kay Kite.

            Yung tingin na parang nagsasabing, “back off. She’s mine!”

            Mwahahaha oh my gosh! Kinikilig ako!

            Napangisi lalo si Kite, “wag kang masyadong kabahan insan. Wala naman akong gagawin eh. Napadaan lang talaga ako. Aalis na rin ako.”

            Lumapit si Kite sa’amin ni Ice at tinapik niya si Ice sa braso. Medyo huminto siya sa gilid ni Ice at parang may sinabi siya dito. Hindi ko narinig dahil masyadong mahina but I saw Ice’s jaw tightened. Mas napahigpit din ang pagkakahawak niya sa balikat ko.

            Nang lumagpas na sa amin si Kite napalingon agad ako sa likod dahil nandoon nakatayo si Rika.

            Nagkasalubong ang dalawa at napahinto si Kite bigla sa paglalakad. Hurt is written all over Rika’s face at agad niyang iniwas ang tingin niya kay Kite. Hindi ko makita ang expression ni Kite pero kinakabahan ako. Hindi ko alam kung bakit mas nakakakaba na magkita si Kite at Rika kesa sa magkita kami ni Kite eh.

            Wala namang sinabi si Kite sa kanya and he just strode past her.

            “Okay. Awkward. Kung pumasok na lang kaya tayo sa van at magpakasaya?” suggestion ni Jasper.

            Napatawa naman kaming lahat sa kanya at masayang pumasok sa van. Naupo sa tabi ng bintana si Ice at ako naman ay tumabi sa kanya. Sa kanan ko naman ay tumabi si Rika. Si Geo ang nag occupy ng driver’s seat habang sa passenger seat naupo si William. Sa likod naman namin ay si Jasper at Ayen na kasalukuyang may kinakain na burger.

            Dinungaw ko si Ayen at pinanliitan ng mata.

            “Kapag ikaw hindi nakapag hiking ng maayos dahil sa sobrang kabusguan, iiwan ka talaga namin!” sabi ko sa kanya.

            “Banget ma?!” sabi niya habang punong-puno ang bibig.

            “Guys, itulak na lang natin sa bangin si Ayen,” suggestion ni Jasper.

            “Wag. Mahirap humanap ng kapalit niya,” pagtatanggol naman ni William sa kaibigan.

            Pilit na nilunok ni Ayen ang burger na kinakain niya atsaka nag puppy eyes kay William. “I love you pre. Ikaw lang ang nagtatanggol sa akin. Pwede ba kitang maging shota?”

            Napangiwi si William, “mandiri ka oy!”

            At napatawa na lang kaming lahat. Mga sira talaga.

The Falling Game (EndMira: Ice)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon