Chapter 11

800K 16.3K 3.8K
                                              

Chapter 11

 

[Timi’s POV]

 

 

“Congratulations Sir Lester, successful ang pageant niyo!” sabi ko kay Sir Lester

 

“Naku thank you. At salamat din sa inyo ni Ice ah? Sobrang galing niyong dalawa!”

Natapos na ang beauty pageant. Nakakanta naman kami ng maayos ni Ice kahit sobrang naiilang ako. Oo, pakshet, tinamaan na ako ng pagka-ilang. At eto na nga, unti-unti ko nang nararamdaman ang pag ri-rigodon ng puso ko kada mag tatama ang paningin namin. Yung tipong kinikilig ako na ewan. Hindi naman ako ganito eh. Oo, kinikilig ako sa mga gwapo at hot na mga lalaki pero hindi yung ganitong sobra.

Siguro dahil sa lahat ng nakilala ko except sa tatay ko, si Ice na ang pinaka gwapo at hot sa lahat?

Pero for Pete’s sake! Napaka suplado niya! Ni wala pa nga kami masyadong moments dalawa eh. Puro pakilig pa lang. Ni hindi ko pa siya nakikilala nang husto. Pero paano niya napapa-tibok ng ganito ang puso ko?

Kahapon ko pa na-iisip na malala na nga itong sitwasyon ko na ganito. Mamaya ako ang matalo. May mga target na dapat nilalayuan kasi delikado---tulad ni Ice. Doon na lang ako sa mas ligtas. Sa alam kong walang commitment. Kay Kite.

Siguro nga, dapat ko nang layuan si Ice Monasterio, mamaya mapahamak pa ang puso ko.

“Anyway, mag su-swimming ka ba?” tanong ni Sir Lester sa akin. “Si Ice kasi mukhang nag eenjoy na doon.”

Napalingon ako doon sa direksyon na tinitignan ni Sir Lester at nakita ko sa may pool si Ice---napapaligiran ng mga babaeng sumali doon sa beauty pagent. Lahat sila naka two piece. Si Ice naman poker face lang pero kitang-kita ang pamumula ng tenga niya.

B’at namumula ang tenga niya?! Ano’ng ginagawa sa kanya ng mga lintang ‘yan?!

Dali-dali akong lumapit sa kinalulugaran nila at natanaw ko na agad yung isang chinitang babae na naka-itim na two piece at halos lumuwa ang dede sa laki na pinipisil-pisil ang braso ni Ice.

“Nag g-gym ka ba?”

“H-ha? Ah…”

“Ang macho mo eh!”

“Oo nga pwede kang pang model! Gwapo!” sabi naman nung isang babaeng morena na may maikling buhok.

“At ang cute ng tenga, ang laki oh,” sabi naman nung isang babaeng nasa-gilid ni Ice at hinawakan nito ang tenga niya na mas lalo nang namula ngayon.

“At may abs siya mga te!” sabi ulit nung babaeng naka itim na bikini sabay himas sa tyan ni Ice.

What the hell are they doing to my Ice?!?!

The Falling Game (EndMira: Ice)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon