Chapter 17 (08/27/14)

740K 14.5K 3.4K
                                              

Chapter 17

 

 

[Timi’s POV]

 

“Pwede ba Rika! Tumigil ka na nga ng kakangawa diyan! Kanina ka pa iyak nang iyak eh, ano baaaa!” iritang sabi ko sa babaeng nasa harap ko at ng EndMira ngayon.

            “Ano ba Timi! Ang harsh mo sa kanya!” saway naman sa’kin ni Jasper. “Miss, panyo oh. Wag ka na umiyak. Sayang ang ganda mo,” pag papa-cute niya rito sabay bigay ng kanyang killer smile.

        Jusko. Lumandi na naman ang isang 'to.

            Kinuha naman ni Rika ang panyong inaabot ni Jasper at pinunasan ang luha sa mata niya.

            “S-salamat..”

            “No problem,” mas lalong lumawak ang ngiti ni Jasper. “I have a question. Alam mo ba kung bakit Jasper Yu ang pangalan ko?”

            “Oh shut up Jasper!” pag putol ko doon sa napaka korning banat ng abnormal na ‘to. Hindi na siya nag sawa diyan sa ‘I am only made jas por yu’ na ‘yan. Gasgas na gasgas na sa pandinig ko.

            “Kainis ‘tong si Timi! Panira!” naka-simangot niyang sabi sa’kin.

            “Eh kasi naman Jasper, ang korny na talaga,” natatawa-tawang sabi ni Geo.

        "Hindi lang kayo marunong maka-appreciate!" pag de-defend naman nang pa-cute kong kaibigan sa mais niyang banat.

            Lumingon ako kay Rika, “ano okay ka na?”

            Tumango siya, “o-oo. Salamat Timi ah? Salamat. Akala ko, forever na lang ako ko-kontrolin ni Erin. Pero paano ‘yung mga nalaman niya sa’yo? Paano ‘yung video mo? Paano kung masira ka sa school na ‘to?”

            “Hindi naman sex scandal ang video na ‘yun kaya bahala siyang ipakalat ‘yon, wala na akong paki. Tutal bitch din naman ang tingin ng iba sa’kin dito eh, ano pa bang mag babago?”

            “That’s our Timi!” sabi naman ni Ayen sabay tapik sa balikat ko. “Tama ‘yan. Wag kang matakot sa kanya. We are at your back!”

            “True! At wag kang mag-alala, tutulungan ka namin na makuha si Ice!” dagdag naman ni Geo. “Ano, i-se-set up na ba namin kayo ni Ice?”

            Ngumiti ako, “game ako diyan!! Gusto ko ‘yan! Tapos pag naging kami na ni Ice, my gosh, hindi ko ma-antay ang reaction ni Erin.”

            “Malamang priceless ‘yun!” tatawa-tawang sabi ni Geo.

            “Ire-ready ko na ang camera para ma-capture ko ang momentum na ‘yon at para naman mas matuwa ka nang mapa-ulit ulit mong mapanuod ang priceless niyang expression!” dagdag pa ni Jasper.

            “Pero grabe ‘no? Akala ko sobrang laki lang talaga ng galit niya kay Timi dahil kay David. Hindi ko akalain na from the start, hindi ka na pala talaga tinuring na kaibigan nun,” sabi naman ni Ayen.

            Napailing na lang ako, “ewan ko ba kung ano ang nagawa ko sa taong ‘yun.”

            “S-she’s insecure! I’m positive!” sabi ni Rika.

            Pare-pareho kaming sumangayon kay Rika. Eh wala rin naman talaga akong ibang maisip na dahilan kundi capital I-N-S-E-C-U-R-E.

The Falling Game (EndMira: Ice)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon