Chapter 4 *voice *

1.1M 21.7K 5.7K
                                                  

Chapter 4

*voice *

 


[Timi's POV]


"nakita mo si Erin at Ice na magkasama?" tanong saakin ni Jasper "hmm naku baka nga may namumuo ng relasyon sa dalawang yan" sabi niya habang naglalakad kami papunta sa classroom

Hinampas ko si Jasper sa braso "hindi! Baka mamaya kamag-anak lang nila si Erin?"

"mukha ba silang magkamag-anak?"

Napa pout ako. Hindi naman sila mukhang magkamag-anak. Si Ice at Kite halata mong mag pinsan dahil pareho silang ubod ng gwapo. Eh si Erin? Sus! wala pa sa kalingkingan ng ganda ko yang babaeng yan.

"uy alam ko ang iniisip mo" bulong ni Jasper saakin "masama yan. Tandaan mo mahal ni Wil si Erin..."

Hinampas ko ulit siya "pisti ka! Wala akong pinaplanong masama kay Erin no!" =___=

"asus!" bigla naman napatigil si Jasper sa paglalakad "uy! Narinig mo ba yun?"

Napatigil din ako "narinig ang ano?"

"may kumakanta!"

Pinakinggan ko maigi yung paligid at nakarinig ako ng boses ng babae na kumakanta

"I get so weak in the knees

I can't hardly speak

I lose all control

Then something takes over me.."

"Ang ganda ng boses niya" sabi ni Jasper.

Napatingin kami doon sa may bench malapit sa puno at may nakita kaming babaeng nag gigitara habang kumakanta pero hindi namin makita ang mukha dahil nakatalikod siya.

"In a daze, your love's so amazing

It's not phase

I want you to stay with me.."

"teka lalapitan ko siya! Makikipagkilala ako!" sabi ni Jasper

Binatukan ko siya

"Aruy naman! Bakit na naman?!"

"mamaya ka na mambabae okay? Male-late na tayo!"

Nag pout naman si Jasper "okay payn!" at dumiretso na kami sa loob ng classroom.

As usual, ang boring na naman ng klase. Lumilipad ang isip ko at may mga times na halos bumagsak na ang mata ko sa sobrang antok. Bakit ba may mga teachers na nag eexist na para bang ninakaw nila ang boses ng Ibong Adarna?

After ilang oras na madugong pag upo sa classroom, at last uwian narin!!!

"uy Jasper may practice kayo ngayon?" tanong ko kay Jasper nung umalis na yung teacher naming

"yap! Punta kang music room?"

"naman! Ako pa ba?! May gwapo doon eh"

Bigla naman napaisip si Jasper "gwapo?" tapos ngumiti siya "grabe ka Timi ah! may pag nanasa ka pala saakin! Sorry pero wala akong balak gawing girlfriend ang kaibigan ko. Ayokong masaktan ka ng dahil sakin!"

Binatukan ko si Jasper "baliw! Hindi ikaw tinutukoy ko! Si Ice!" =__=

"grabe na yang ginagawa mong pananakit saakin! child abuse!!" T___T

"heh! Tumigil ka!" hinatak ko ang braso niya "tara na sa music room!"

"eh una ka na. Bibili lang ako ng pagkain"

The Falling Game (EndMira: Ice)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon