Chapter 22 (10/15/14)

643K 14.1K 5.1K
                                                  

Chapter 22

 

[Timi’s POV]

 

“Ice! Anong papanuorin natin? Ito ba? Ito ba?” ngiting-ngiti kong tanong sa kanya habang nakaturo ako sa malaking poster ni Annabelle sa labas ng sinehan.

            Aba naman! Kung manunuod din lang kami eh maganda na kung horror! Para maka-chansing ako sa kanya. Mehehehehe.

            “Ah… o-oo. Sige bibili na ako ng ticket.”

            Nag-lakad si Ice papunta doon sa bilihan ng ticket at ako naman, excited na excited na nakasunod sa kanya.

            My gosh! Hindi ako makapaniwala sa nangyayari! Nag d-date kami! Nag d-date talaga kaming dalawa!

            Shy nga lang itong ka-date ko kasi ayaw gumawa ng da-moves, but who cares? Mamaya sa loob ng sinehan, gagawin ko ang lahat maka-score lang ako sa kanya.

            After niya bumili ng ticket, niyaya ko siya na bumili ng popcorn.

            “Two popcorns please,” sabi niya doon sa cashier.

            “Ay ate isang malaki na lang po!” pigil ko naman doon sa babae tapos nilingon ko si Ice. “Mas tipid pag isa lang. Tsaka baka hindi ko maubos.”

            Hindi na siya umangal. He just shrugged his shoulders at binayaran ang popcorn namin.

            Sa totoo lang, malakas ako sa popcorn pag nanunuod ng sine. Pero bakit ba! Mas sweet kaya pag share kami. Tsaka malay niyo bigla kaming magkasabay ng kuha ng popcorn at magdampi ang mga daliri namin. Hanggang sa magkakatinginan kami ng malagkit. Tas hindi ko namamalayan na hawak hawak na pala niya ang kamay ko. At unti-unti na niyang inilalapit ang mukha niya sa mukha ko. Hanggang sa….

            “Tatayo ka na lang ba diyan o iiwan na kita? Mag sisimula na ang palabas.”

            Naputol bigla ang imagination ko nang marinig kong mag salita si Ice. Paalis na siya doon sa bilihan ng popcorn at naka-kunot na ang noo nito habang nakatingin sa’kin.

            Panira naman ng pantasya ang isang ‘to oh!

            Sinundan ko na lang agad siya sa may entrance ng cinema. Mamaya tuluyan talaga akong iwan nito.

            Nang makapasok kami sa loob, bigla akong nag sisi na ito ang pinili kong palabas. Hindi dahil sa takot ako sa horror films kundi dahil ang daming nanonood. Pa-simula na rin ang movie kaya halos puno na ang sinehan. Nakahanap naman kami ng matinong pwesto ni Ice pero ang dami naming katabi. Walang privacy nakakainis.

            Pero hindi pa rin ako nagpapigil syempre. Kailangan kong maka-score ngayon! Kahit onting chansing lang. My gash! Once in a life time experience lang ito.

            Hinimas-himas ko ang mga braso ko na kunyari eh nilalamig ako kahit hindi naman talaga. Kaso itong yelong ‘to, hindi nakaramdam. Pako na ang tingin sa screen. Mukhang mas nagagandahan pa kay chaka doll este Annabelle kesa sa’kin.

            “Ang lamig ‘no?” bulong ko sa kanya. Para makaramdam naman!

            “Huh? Hindi naman,” sagot niya nang hindi man lang ako tinitignan.

            Ay anak ng--!!! Yung ibang mga naka-date ko pag sinasabi kong malamig halos pumalakpak na ang tenga nila dahil nagkakaroon na sila ng dahilan para akbayan ako. Samantalang ang isang ‘to.

The Falling Game (EndMira: Ice)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon