Chapter 6

979K 17.7K 3K
                                              

A/N: SORRY! Dahil ang tagal na na-hiatus ang story na 'to. I'll try my best na maging active ulit sa pag u-update nito pati ng iba ko pang on-going na stories. By the way, pinalitan ko po ito ng title. From "Break the Ice Prince's Heart Operation" ginawa ko pong "The Falling Game" ... dahil nung mga panahong naka-hiatus 'to, marami akong naisip na takbo ng kwento na mas okay pero hindi na sinu-support yung mismong title kaya pinalitan ko.

At alam kong marami na sa inyo ang limot ang story. Para mas maintindihan, pwede niyong balikan yung last chapter bago ito :)

Ayun! Happy reading! <3

-- Ate Aly 

***

Chapter 6

[Timi’s POV]

Nag I love you si Ice kay Erin! Nag I love you siya kay Erin! My ghad! Ba’t sa dinami-rami ng taong pagsasabihan niya ng mahiwagang katagang ‘yun eh kay Erin pa niya binitiwan?

Nagpa-lakad-lakad ako sa kwarto ko para pakalmahin ang sarili ko pero hindi pa rin talaga ako matahimk. Hindi nag punta si Ice sa practice ng banda kanina para sa duet naming dalawa. May importante raw kasi siyang dapat asikasuhin. Mukhang si Erin ang importante niyang dapat asikasuhin.

Ano ba ‘yan! Sayang naman, hindi pa nag sisimula eh mukhang mawawalan na ako ng pag-asa sa lalaking ‘yan!

Na-upo na lang ako sa kama ko at inilabas ang mga libro ko sa bag ko para mag review. Syempre kahit pasaway ang imahe ko sa school, nag-aaral pa rin naman ako ng mabuti. Matataas ang grades ko. Napapatawag lang si daddy o si mommy sa school dahil nakipag-away ako, pero ang mga teachers na ‘yun, walang ma-say sa mga grado ko. Ako pa ba? Hindi pwedeng maganda ka lang. Dapat may utak ka rin.

Hinugot ko ang Physics book ko sa bag ko nang may nakita akong isang naka-fold na papel na nakaipit dito. Bigla kong naalala na may ini-abot nga pa lang sulat si Kite sa akin.

Dali-dali kong binuksan ang sulat ni Kite at sa loob nito, may nakita akong isang maliit na note:

If you need someone to save you, don’t hesitate to call this number:

091********

Napa-iling ako. Kahit kelan talaga ang lalaking ‘to number one sa ka-kesohan. Agad kong kinuha ang phone ko at idinial ang number niya. Sa ikatlong ring, may sumagot sa kabilang linya.

“Wow. Hindi ko ine-expect na ang isang dyosa ay tatawagan ang isang mortal na katulad ko!” pambungad niya sa akin.

Napa-taas ako ng kilay, “at paano mo naman nalaman na ako ‘to, aber?”

“I already have your number, love.”

“Huh? Then ba’t hindi mo na lang ako tinawagan kesa gumawa ka pa ng cheesy note na ‘to?”

The Falling Game (EndMira: Ice)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon