Prologue

3.6K 65 1
                                    

Driving in the middle of the night with tears blurring my vision is literally not a safe thing to do.

But apparently, that's what I'm doing.

Mag-aalas tres na ng umaga at wala na masyadong sasakyan sa daan. Kaya naman, mabilis rin ang naging pagpapatakbo ko.

The memory of what just happened was still so fresh to me. Hindi naging madali sa akin ang pag-iipon ng lakas ng loob para umamin sa nag-iisang taong ginusto ko for 10 years. Mas lalong hindi naging madali para sa akin ang tanggapin ang posibilidad na tuluyan ko ng nasira ang pagkakaibigan namin.

Sampung taon akong nanatili sa tabi niya and in those ten years I should've known how he really feels. Pero dahil nagpakatanga ako, I translated the signals he sent incorrectly. I read them wrong.

Everything he's done for me for the past ten years, I saw as acts of love. Pero nakalimutan kong magkaiba ang uri ng pag-ibig na inilalaan para sa kaibigan at para sa kasintahan.

Dahil sa lalim ng iniisip ko, huli na nang napansin ko ang isang lalaking naglalakad sa gitna ng daan. I quickly stepped on the breaks subalit hindi na napigilang matamaan ang lalaki.

"Shittt!"

Sumisinghot at pinapalis ang mga luha'y agad akong bumaba mula sa sasakyan. Tinakbo ko ang distansiya sa pagitan ko at ng lalaki.

"Mr? Are you okay?"

Napailing na lang ako nang mapagtantong napakastupid ng tanong ko. Mabuti naman at hindi talaga tumilapon ang lalaki. Subalit kita pa rin ang kanyang natamong sugat.

Nakaupo lang siya habang tinitingnan ang dumudugong siko. Lumingon siya sa akin nang nagsalita ako.

He looked familiar.

His hair was cleanly cut, ang isang kilay ay nakataas habang tinitingnan ako. He properly sported a beard on his chin that looked more like an overgrown stubble. Kitang kita ang resulta ng marahil ay matinding pag-eensayo dahil sa hulma ng katawan niya.

Napunta ang aking tingin sa kanyang kamay na hawak ang nagdudugong braso and that's when I realized that I was sort of checking him out.

Nabalik ang aking tingin sa kaniyang mukha. With eyebrows still raised, he smirked at me.

Kahit na namamaga na ang aking mata at siguro'y pulang-pula na ang aking mukha, I felt my cheeks burn brighter dahil sa ipinapahiwatig ng kaniyang mga mata.

Here I am, looking like a burnt potato habang siya itong nasagasaang nagmumukhang anghel. Now tell me that the world's not unfair.

"Tumayo ka na po diyan, dadalhin kita sa ospital." sabi ko at suminghot.

Tuluyan ko na siyang nilapitan para abutin ang dala niyang gym bag para maipasok sa sasakyan. Mukha kasing kaya niya ng patayuin ang sarili and there was something in him na nakakailang.

"I'm fine. Hindi na kailangan."

Natigilan ako dahil sa sinabi niya. Ewan ko kung guni guni ko lang ba but his voice was deep at para bang nang-aakit.

I took a deep breath with his bag on my hands bago siya nilingon.

"Uhm ano, dadalhin kita sa ospital. I don't want to feel guilty about this."

"Really. I'm okay."

Sinamaan ko siya ng tingin. My mind was already a jumbled mess dahil sa mga nangyari tapos nagmamatigas pa ang isang 'to.

"Tatayo ka ba diyan o sasagasaan ulit kita para talagang kakailanganin mong madala sa ospital?"

The fact that he was still sitting down while I was standing made me feel superior kaya siguro'y naging confident ako sa sinabi. Ngunit nang tuluyan na siyang tumayo ay nanliit ang 5"4 na height ko. Frickkk bakit ang taas niya?

A Game of Luck//Kobe Paras FFWhere stories live. Discover now