"Ano kaya ang mangyayari? malalampaso nga kaya ng White team ang Black team o sila ang malalampaso?" natatawang sabi ni Ate Kiwi.

"Sila!" sabi ng dalawa.

"Tumigil na nga kayo dyan." saway ko sa dalawa.

"Ikaw na nagsabi noon, Zoe. Hindi masaya ang laro kung walang trash talk-an." sabi ni Kiara.

"Natandaan mo pa 'yon?" gulat na sabi ko. Natandaan ko nga na may nasabi akong ganon nung unang laban namin dahil doon lang kami nagkaroon ng trask talk.

"Ano pa hinihintay natin? Simula na natin ang laban!" kahit na naka-mic na si Ate Anya ay sumigaw pa din sya na sinabayan ng mga fans. Lalo tuloy umingay.

Bumilog kaming anim at nilahad ang kamay sa harapan.

"Tapusin ang Black team!" nagulat ako sa sigaw nila. Hindi ko alam 'yon ah!

Nakipagkamay ako sa anim bago sila pumasok sa loob ng court.

"Wait, what? nasa bench si Zoe?" takang sabi ni Ate Anya. Napatingin samin sila Alexa. Si Louise ang natira sa kanila. Ngumiti ako at kumaway sa kanila.

"Mukhang confidence ang White team na matatalo nila ang Black team na wala si Zoe ah?" komento ni Ate Kiwi.

Tinignan ko sila Alexa. Napangiwi ako nung makitang seryoso sila. Patay, mukhang kami ang malalampaso.

Si Kiara at Alexa ang magju-jump ball. Professional referees ang mga magre-referee ngayon, hindi yung kung sino kakilala lang namin. Parehas na tumalon ang dalawa pagkatapos ihagis ang bola. Inaasahan na nakuha ni Alexa ang bola at nakuha ni Steph ang bola. Lahat sila ay tumakbo sa court namin. Tumigil sila. Nakikita kong kinakausap ni Steph si Aj bago inumpisahan sumugod. Napangiwi ako nung nalampasan nya si Aj. Hindi ata tama na nasa bench ako sa unang laro.

"Ano, White team? kayo ang nilampaso." natatawang sabi ni Ate Anya pagkatapos ng ikatlong puntos ng Black team. Six na ang score nila habang kami zero pa din.

Nasa tapat namin ang court namin at kay Japan ang bola. Pumunta sa gilid si Alexa at tumingin sakin.

"Labas." utos na sabi nya. Umiling ako at ngumiti sa kanya.

"Kaya nila yan." pero sa loob-loob ko ay napapangiwi ako. Kaya nga ba nila?

Dahil nakatingin ako kay Alexa ay hindi ko alam kung paano naagaw kay Japan ang bola. Tumakbo silang lahat sa kabilang court. Mabilis na nakalusot si Aj kay Gen at naipasok nya ang bola sa ring. Napatayo ako sa tuwa.

"Nice one Aj!" sigaw ko. Nag-thumb ups sya sakin. Kaya naman pala.

Pero hindi naging madali ang laban. Kahit na kaya nilang pumuntos ay nilalamangan pa rin sila nila Alexa. Palaki ng palaki ang lamang nila kada minuto at mukhang napapagod na din sila Aj dahil sa hirap makabantay sa lima. Second half ay nagpa-raffle muna sila habang nagpapahinga. Nakakagulat ang mga pa-raffle nila. Kaya pala nung dumating kami ni Alexa ay ang daming pinapirmang tshirt, notebooks, balls, at shoes samin ni Alexa. Akala ko ipagtitinda ni Louise dahil tauhan ni Louise ang lumapit samin pero yun pala ay ipamimigay sa mga fans.

"Zoe, ayoko na. Ikaw naman sunod." sabi ni Nikki. Natawa naman ako.

"Sige, sasali na ako sa susunod." sabi ko.

"Putek, benta ang hahabulin natin, Zoe." sabi ni Xenon. Napangiwi naman ako. Ang laki talaga ng lamang nila.

"Mama!" sa kabila ng ingay sa paligid ay narinig ko ang boses ni Aero. Kasama nya si Alex.

"Hey!" nakangiting lumapit ako sa kanila. Hinalikan ko silang parehas sa pisngi. "Bakit ngayon lang kayo?"

"Nandon kami sa pwesto nila Mommy." sabi ni Aero. Napasimangot naman ako dahil doon pala sila nakapwesto. "Pero dito na kami pwe-pwesto." dagdag ni Aero.

Melting Ice Princess 3Where stories live. Discover now