"Ahhh. Wala magpapahangin lang. Magpapahupa ng sama ng loob?" malumanay na sagot ni Gelay.

"Tara! Sama ako!" animo'y batang paslit na sambit nitong si MJ.

"Na-ah. Mag-stay kana dito. Kelangan ko lang magpahangin para ilabas ang sama ko ng loob sa nangyari kanina." tugon nito pabalik.

Wala na lang nagawa si MJ at napaupo nalang sya sa may bleachers dito sa may field ng school. P.E ang klase namin ngayon at nagbibihis pa ang mga lalaki kaya hindi pa kami nag-iistart. Ang P.E. teacher rin namin ay may kinakausap pa sa kanyang telepono kaya umalis muna sya saglit.

Hindi ko nalang namalayan na nakalayas na pala si Gelay at ni isa sa amin ay wala man lang nakahalata sa pag-alis nito.

Di nalang namin sya ginambala pa dahil alam naman namin na kailangan noon maglabas ng sama ng loob sa nangyari sa kanya kanina.

Makikipag daldalan na nga lang muna ako dito sa mga ito nang may magawa naman ako kahit papaano.

Halos walang minuto ata ang tinagal ni Gelay mula nang umalis siya at ngayo'y kababalik lamang nito. Samantalang ang P.E. teacher namin ay nowhere to be found parin. Hanep, napasarap ata sa pakikipag-usap sa telepono!

"Gelay! Ayos na ang pakiramdam mo?" kita ko sa gilid ng aking mata si Dein na nasa tabihan ni Gelay ngayon. Hindi ko maalis ang tingin sa cellphone ko. Naglalaro kasi ako ngayon ng ML e! Rank game pa. Kaya mamaya na sila!

"Ano sa tingin mo?" nahihimigan ko ang pag-iiba ng mood nito ngayon kaysa kanina bago siya umalis. Medyo natatawa na ito. Gumanda ang mood ni gaga? Anyare?

"Oh, napaano ka? Ba't ang ganda na ng mood mo?" base sa boses ng nagsalita ay batid kong si Ellie iyon, naglalaro pako ML eh!

Puta naman ang bobo noong isa! Inatake ang Lord nang hindi nagsasabi! Anong napala? Namatay na nga, nasa kalaban pa ang Lord! Lecheng kakampi!

"Hoy mga abnoy, may sasabihin ako sa inyo! At alam kong matutuwa din kayo!" sabay ng pagsasalita nito ay ang pagbungisngis din niya. Aba't ilang minuto lang itong nawala nabaliw na kaagad? Ano bang nangyayari sa--

"TANGINA KA, BOBO MO! GAGO!" sigaw ko nang umatake na naman yung bobo naming kasagpi ng mag-isa! Sa tower ng kalaban!

Huli na nang mapagtanto kong sumigaw pala ako kaya nahagilap ng aking tingin si Gelay na nakabusangot ang mukha habang pinapanood ako sa ginagawa ko.

"Hehe! Don't worry, hindi naman ikaw sinasabihan ko!" paliwanag ko at tsaka ibinaling muli ang tingin sa cellphone.

"Eh, makikinig ba naman kayo?" tanong nito sa amin.

"Oo. Nakikinig kami" Ako at Riel.
"Sige, ano ba yun?" MJ.
"Ano yunnnn?" Ellie.
"Oo dali sabihin mona." Dein.

Wala si Andrei kasi nagbibihis pa, paniguradong "Langhap, Sarap" na naman ang baklitang 'yon dahil napapalibutan na naman sya ng mga topless na lalaki. Landi!

"In 10 seconds, mag abang kayo dyan! May dadating dito sa field. A masculine princess! Wearing a pink floral dress with a pair of two inches pink high heels! Ahh! Magkacount down na ako! I'm very very excited!" Pagkasabing pagkasabi ni Gelay ay agad kong nabitawan ang cellphone ko kahit na rank game pa ang nilalaro ko. Narinig ko pa ang pagdedeklara ng "Initiate Retreat!". Pero hindi na iyon ang pakialam ko!

Napalapit narin kay Gelay ang lima dahil siguro sa ngayon ay pare-parehas na kami ng iniisip.

"GELAY! ANO NA NAMAN ANG GINAWA MO!?" sabay-sabay na pagngalngal namin kay Gelay pero hindi ganoon kalakas. Tama lamanh para marinig naming anim dito sa kumpulan namin para hindi makagawa ng eksena dito sa field. Hindi kami pabida.

Serendipitous Love [Escuadra Series #1]Where stories live. Discover now