Pagkarating namin sa library kanina ay kumuha na kami ng libro na kailangan naming aralin at tsaka naghanap ng bakanteng upuan kung saan kami mag aaral. Meron lamang kaming 2 hours vacant. Mukhang sakto din naman ang bakanteng oras para makapagreview kami.

Sobrang tahimik talaga. Wala kang maririnig na kahit anong ingay maliban sa tunog ng aircon at mga yabag ng sapatos.

Magkaharap kami ngayon ni Ellie. At sa puntong ito ay narinig ko na mismo ang pagkalam ng aking tyan. Of course, it means? I'm TomGuts na. Wala pa kasi akong umagahan. Muntik na kase akong malate kanina. Kung di pako ginising ni Ate Tinay na maid na kaclose ko ay baka hanggang ngayon ay tulo parin ang laway ko sa sarap ng tulog.

Sa tingin ko'y nadinig iyon ni Ellie kaya napahagikhik na lamang sya at napatingin sa kin. Lumapit sya ng kaunti paharap sakin bago nagsalita.

"Rinig na rinig yang pagkalam ng tyan mo ah?" Bulong niya. Bawal kasi talaga ang maingay dito sa library. Gaga ka Gelay, kaya nga library diba.

Sariling katangahan, eh ano?

"Huy! Nakikinig kaba?" Aniya sa may pasigaw na bulong na tono.

"Huh? Ano gang sinabi mo?" Ayan na naman ang batangueña accent ko. Lumalabas na naman.

Kapag iritado, gutom at lutang ako. Lumalabas ang batangueña accent ko.

Taga Batangas talaga kami. Pero lumipat kami dito sa Cavite kasi gusto taga rito si Mommy. Samantalang si Daddy naman ay taga roon sa Batangas.

"Gelay ano ba?! Nakikinig kaba?" sabay batok sakin. Pero mahina lang naman.

"Ano gang sinabi mo?" Pagtatanong ko.

"Tinatanong kita kung anong gusto mong kainin. Medyo patapos na naman ako sa pag aaral kasi nag simula na ko kagabi pa. Tinuloy ko lang ngayon kasi nakatulugan ko kagabi. So, what do you want to eat?" Ba't parang ang bait naman nito masyado ngayon?

"Libre mo ba?" Sabay hagikhik ko.

"Tss. Asa kana sa libre ha? Sige sige. Minsan lang naman ako manlibre kaya sulitin na." Napatigil ako sa paghagikhik sa sinabi niyang iyon.

"Talaga!?" Napalakas ang boses ko ng kaunti kaya napatingin sakin yung librarian in a napakatalim way. Iiiiiihhh ang creepy naman!

"Wag ka ngang maingay! Oo nga sabi diba?" Wah! I want to scream right now and say, You're the best, Ellie!

"Sige sige. Kung kaibigan mo talaga ako. Alam mo kung ano favorite kong snack. Yun ang bilhin mo." Imposible na di malaman ng isang 'toh ang favorite snack ko. Lahat ng tropa ko alam 'yun.

Tumayo na sya at bumulong na babalik kaagad din sya.

Kaya habang wala sya ay nagbasa muna ako para hindi mainip sa kahihintay sa kanya.

Ngunit lumipas na siguro ang sampung minuto ay wala parin ata sya. Kanina pako hikab ng hikab na halos wala ng pumasok sa utak ko na mga words at mga sinasaulo ko sa sobrang kaantukan.

Sorry na, mainipin talaga ako.

Bago ako umub-ob ay napansin ko ang isang lalaki na tila pinagmamasdan ako kanina pa. Di ko medyo mahagilap ang mukha niya dahil nagtatago sya sa mga shelves kung saan sya naroon. Hindi na ako nag-abala pang bigyan sya ng pansin at umub-ob nako. Di ko na namalayan na sa sandaling iyon ay dinapuan na ako ng antok.

--
"Gelay."

"Huy Gelay, gising! Eto na pagkain mo oh!"

Ano toh? Bat? Bat ang lagkit ng pakiramdam ko?

Pagkatunghay ko ng ulo ko ay naramdaman ko ang napakalagkit na likido sa may noo ko kung saan may nakakapit rin na ilang hibla ng buhok ko doon. Wait a minute... is this a damn glue on my hair!? My gosh!

Serendipitous Love [Escuadra Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon