"I will have our lawyer take care of that matter," wika naman ng Papa ni Sachi. "She is a Sanada."

"--y Madrigal," dugtong na wika ng Daddy ni Julianna.

"No question about that," natatawang saad ni Ken Sanada.

Nagpatuloy ang usapan ng magkabilang partido. Parehong excited sina Nathalia at Evita na planuhin ang kasal. Gusto ng mga ito na isang kilalang couturier ang tatahi ng kanyang traje pati na ng buong entourage. Tungkol naman sa planong pagpapakasal ng magnobyo sa huwes ay baka raw magawan ng paraan ni Diomedes na mapabilis ang proseso upang hindi na sila umabot ng isang buwan sa paghihintay na makumpleto ang requirements. Na tila ikinatuwa naman ni Sachi.

Nang makita ni Julianna na namimigat na ang talukap ni Saschia ay nagpasintabi siya sa mga magulang na iintindihin muna ang anak. Kalalabas lamang nito ng ospital at natitiyak niyang bumabawi ng lakas ang katawan nito. Si Sachi na ang bumuhat sa anak at sinamahan na silang mag-ina sa silid ni Saschia. Halos ayaw kasing bumitiw sa ama.

Pagpasok nila ng silid ay siya namang pagtunog ng kanyang cellphone. Tumatawag si Max.

"Hey, baks."

"Hey, I heard about what happened to Saschia. Kadarating ko lang dito sa Cebu para sa isang seminar. How is she?"

Touched siya sa pagiging maalalahanin ng kaibigan. Kahit nasaan ito ay tatawag ito para mangumusta. Minsan ay naiisip niyang ito ang kapatid na hindi naipagkaloob sa kanya ng mga magulang.

"Kauuwi lang namin ng bahay. She's okay now."

"That's good to hear. How about Sachi?"

"Oh, he's good and well. He already recovered his memories."

"Iba talaga ang kamandag ng alindog mo, baks. Isang gabi lang, ha? Naka-recover kaagad. Mabisa palang gamot sa amnesia ang churva." 

Namula siya. "Baliw!"

 "Mukhang mapulang-mapula ang hasang mo, baks. Video call nga tayo."  

"Tse! Ang halay talaga niyang bibig mo."

"Mahalay raw. Ipapuputol ko ang aking flag pole kung hindi kayo nag-churva."

Natakpan niya ang bibig para mapigilan ang sarili sa pagtawa. Kahit puro kahalayan ang lumalabas sa bibig nito ay hindi niya mapigilang matawa.

"Ano?"

"Anong ano?" Natatawang sagot niya rito.

"Naka-ilang rounds kayo?"

"Hindi ko na maalala--amp," bigla niyang natutop ang bibig. Hindi naman talaga iyon ang isasagot niya kung bakit iyon ang lumabas sa kanyang bibig.

Narinig niya ang malakas na halakhak ni Max sa kabilang linya.

"Nakaka-amnesia ba kapag sobra?"

"Siraulo ka talaga."

"And'yan ba siya?"

Sinulyapan niya ang kanyang mag-ama na nakahiga sa kama. Mukhang naiidlip na si Saschia habang hinahagod ng ama ang likuran nito. Nakaunan ito as usual sa braso ng ama habang nakadantay ang isang binti sa tagiliran at mahigpit na nakayapos ang isang braso sa leeg.

"Oo. Both of our parents are here, too. We are actually discussing our wedding."

"Ay, bongga. Ako ang maid of honor mo."

"Oo naman. Basta magsusuot ka ng long gown."

"Never mind. Ring bearer na lang pala."

Natawa siya. Kahit lantad na sa pamilya nito ang pagiging bakla ay wala naman daw itong planong mag-cross-dress para bigyang-diin ang sexuality nito. Pero siyempre'y hindi ito puwedeng mawala sa kanyang kasal. Isa ito sa pinaka-importanteng tao na gusto nyang makasama sa espesyal na sandaling iyon sa buhay nilang magkasintahan. 

The Heiress and the ManwhoreWhere stories live. Discover now