Xoxo

22.2K 829 85
                                    

Chapter Seventeen

NAKIKIRAMDAM lang si Julianna sa mga kasalo niya sa pananghaliang iyon. Hindi niya pa alam kung paano huhulihin ang loob ng Mama ni Sachi. O kung may dapat ba siyang gawin para maging magaan at hindi nakakaasiwa ang atmosphere sa pagitan nila.

"Pasensya ka na sa mga nakahain sa hapag," humihingi ng dispensang sabi ng ginang.

"A-ayos lang po," nakikiming sagot ni Julianna.

Pritong isda at talbos ng gulay na may sawsawang toyo at kalamansi na may sili ang nakahain. Ipinaglagay siya ng kanin at isda ni Sachi sa kanyang plato. Hindi niya alam kung anong klaseng isda iyon. Usually kasi ang nakikita niyang isda na inihahain sa kanilang dining table ay 'yong malalaki at makulay. Na kadalasan ay may kung anu-anong dekorasyong gulay at sauce.

"Galunggong 'yan. Isdang-pangmasa," ani Sachi.

"Uy, anong pang-masa?" mabilis na kontra ni Rialyn. "Ang mahal na rin ng galunggong ngayon, ha? Hindi na pang-masa ang presyo."

"E, di pang-middle class kung ayaw mong pang-masa."

"Tss, middle class ka riyan."

"Kaya nga sabi ko sa'yo pang-masa, di ba? Kasi doon tayo nabibilang."

"Tama na nga kayong dalawa. Nasa harapan kayo ng pagkain," banayad na saway ng ina sa dalawa.

Parehong tumikom ang bibig ng mga ito at nagsimula ng kumain--ng nakakamay. Ipinaglagay siya ng kutsara at tinidor ni Sachi. Pero dahil nagkakamay ang mga ito ay tumayo siya at naghugas ng kamay sa lababo katulad ng ginawa ng nobyo. Mayroong tila naaaliw na ngiti sa mga labi nito nang tumingin sa kanya. Nilabian niya ito.

"Alam kong hindi ka marunong magkamay," may bahid-pang-aasar na sabi ng kasintahan.

"Sino ang may sabi? Watch me," ingos niya rito.

Kahit asiwa at halatang hindi sanay ay ipinakita niya rito kung paano siyang magkamay. Madalas ay ganoon kung kumain ang ilan nilang mga kasambahay. Paminsan-minsan ay nakakamay rin kung kumain si Yaya Magenta kaya hindi na bago sa kanya ang nakikita sa kanyang mga kasalo. Nang lingunin niya si Sachi ay kulang na lang na mangalumbaba ito para panoorin siya kung gaano kaasiwang magkamay.

"Mahal na kondesa, ang pagsubo ng kanin ay hindi ganyan. Para kang dumadakot ng kung ano."

"You are being mean," namumulang sabi niya.

"Hindi po, ikaw pa ba? Ganito, o," ipinakita nito sa kanya ang sinasabing tamang paraan.

"Ganoon din naman ang ginagawa ko, ah."

"Ganoon ba? Malabo lang siguro ang mata ko. Ganda mo kasi, nakakabulag."

Nag-init na naman ang magkabilang pisngi ni Julianna. Hindi niya ganap na mapalaya ang kilig dahil nakakahiya sa Mama ni Sachi at sa pinsan nitong si Rialyn.

"Grabe naman ang mga bagsakan ng isa diyan, o. Hindi man lang nahiya sa aming mga single,," pagpaparunggit ng pinsan ni Sachi.

"Sagutin mo na kasi si Boyet para may nilalambing ka na rin," buweltang tugon naman dito ng binata.

"Utot. Mahigpit pa ang lahat ng turnilyo sa ulo ko para pumatol sa batugan na 'yon."

Tatawa-tawang itinuloy na ni Sachi ang sariling pagkain. Ang Mama ni Sachi ay tahimik lang at tila tulad niya ay nakikiramdam din. Hinihintay niyang magtanong ito ng kahit na ano tungkol sa kanya o tungkol sa relasyon nila ni Sachi. Dahil may palagay siyang wala pa itong idea tungkol sa kanya maliban sa araw na iyon na kanilang first meeting. Pero hanggang sa matapos silang kumain ay mabibilang niya lang ang mga pangungusap na sinabi nito. Lihim tuloy siyang kinabahan. 

The Heiress and the ManwhoreKde žijí příběhy. Začni objevovat