My Turn To Cry

27.6K 1K 238
                                    

Chapter Fifty

"PAAA, pigilan niyo si Sachi," mabilis na tumakbo si Rupert sa kadarating lamang na ama.

"What is happening here?" Takang nagpalipat-lipat ang tingin ni Ken Sanada sa dalawang anak na parang mga bata na nagpapatintero sa loob ng hospital suite.

"Alam niyo ba kung ano ang ginawa ng lalaking 'yan?" Kahit namumutla pa ay kita ang panginginig sa galit ni Sachi habang nakaturo ang isang daliri sa direksyon ng panganay na kapatid.

"What did you do?" bahagyang nilingon ni Ken ang anak.

"You know about it already," mahinang sagot ni Rupert.

"Oh."

"Alam niyo?" parang lalong naningkit sa galit ang mga mata ng bunsong anak.

"Uh, kasi..." pagdating sa dalawang anak ay medyo tiklop si Ken sa bunso. Palibhasa lumaki ito na ni minsan ay hindi niya man lang nakumusta ang pagbibinata.

"Ano ang nangyayari rito?" Si Nathalia. Nahuli lamang ito ng kaunti sa asawa.

Tila parehong nakahinga nang maluwag ang mag-amang Ken at Rupert.

"Anak, bakit bumangon ka na sa higaan mo? Baka kung mapaano ka na naman?Por Dios naman, Sachi, papatayin mo ba ako sa nerbiyos?"

"E, kasi, Mama, 'yang lalaking 'yan."

"Ang lalaking 'yan ay kapatid mo. At mas matanda siya sa'yo kaya matuto kang gumalang."

"Puwes, gusto kong patayin ang lalaking 'yan!"

"Sachi!"

"Aish!" Galit na na nahagod nito ang buhok.

"Tungkol ba saan ang ikinagagalit mo at ganyan ka na lang kung makapagsalita sa Kuya mo?"

"Ideya niya ang pagpo-pose ni Julianna sa lintek na magazine na 'yon!"

"Sachi! Huwag mong sabihing mas malaki ka sa akin at makakatikim ka sa aking bata ka."

Ang mag-amang Ken at Rupert ay pasimpleng nagkubli sa likuran ni Nathalia. Na hindi nalingid sa mga mata ni Sachi kung kaya't lalong naningkit sa galit ang mga mata nito.

"Kung anuman ang ginawa ng Kuya mo ay para rin naman 'yon sa kapakanan mo."

"Para sa kapakanan ko? Nakabilad sa magazine ang halos hubad na katawan ng magiging manugang niyo tapos sasabihin niyong para sa kapakanan ko?"

"Ilan lang naman ang na-release no'n sa market at hindi na rin kumalat dahil binayaran ng kapatid mo. Atsaka, napakaganda naman ng girlfriend mo. Perpekto ang katawan at hindi mo aakalaing--teka, naaalala mo na ba ang lahat, anak?"

Huminga ito nang malalim saka tumango. Nahagod nito ang batok saka bumalik ng kama. Mukhang nanghihina pa ito.

"Aw, welcome back, anak. We should celebrate," masayang napaglapat ni Nathalia ang dalawang kamay.

"Gusto kong makita ang aking mag-ina."

"Of course," mabilis na sang-ayon ni Ken sa sinabi ng anak. "Diretso pamanhikan na, di ba, irog?"

"Magandang ideya 'yan," kaagad na tugon naman ni Nathalia.

"God," kumuyom ang dalawang kamay nito sa gilid ng kama. Ilang malalalim at may nginig na paghinga ang pinawalan nito habang yumuyugyog ang mga balikat sa tahimik na pag-iyak. "Tatay na ako. Tatay na ako, 'Ma." 

"Oo, alam ko, alam namin, anak," nilapitan ni Nathalia ang anak at niyakap.

Parang batang yumakap si Sachi sa ina. Ang mga luha'y hindi napigilan sa pagpatak.

The Heiress and the ManwhoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon