Bad Dream

37.2K 1K 142
                                    

Chapter Two

PAWISANG napabalikwas ng bangon si Julianna. Natutop niya ang dibdib nang parang magkarerahan ang pintig ng kanyang puso. Tumulo ang kanyang luha. May mga gabing tila bangungot na dumadalaw sa kanya ang pangyayaring 'yon. Na para bang kahit nakalimutan ng utak niya ang gabing iyon ay kusa iyong nagre-resurface. Pinipilit na sana niyang kalimutan. Pero minsan ay hindi niya maiwasang mandiri. Pakiramdam niya ay ang dumi-dumi niya. Bukod doon ay naiisip niya kung si Drigs lamang ba ang gumamit sa kanya ng gabing 'yon.

Napasubsob siya sa dalawang palad at napaiyak. Siguro ay iyon na ang karma niya pagkatapos ng mga ginawa niya kina Walter at Annika. Hanggang sa mag-umaga na ay hindi na ulit siya nakatulog. Mabuti na lamang at sem break na. May ilang araw siyang pahinga bago ulit mag-umpisa ang klase. 

Bumaba ang grades niya sa finals. And once again, she saw the disappointment on her father's face when he saw her grades. Kailangan niyang makabawi ngayong second sem. With those thoughts in mind, she got out of bed and took a shower. Nasa breakfast room na ang parents niya nang bumaba siya para mag-agahan.

"Good morning, Mom, good morning, Dad." Hinagkan niya ang mga magulang bago siya naupo sa tabi ng Daddy niya.

"What are your plans during sem break?" tanong ng Mommy niya habang nagpapahid siya ng strawberry jam sa kanyang tinapay.

"Ilang araw lang naman ang bakasyon, Mommy, so I'll probably just read some textbooks and do some advance study."

"That's good. Sana naman ngayong second sem ay makabawi na ang grades mo," medyo may pasaring na sabi ng Daddy niya.

"I will try my best, Daddy."

"Don't try. Do it."

"Yes, Dad."

"Akala ko pa naman makakasama ka namin sa biyahe ng Daddy mo," may bakas ng panghihinayang na sabi ng kanyang ina.

"Hayaan mo na siya, Evita. Mas mabuti nga 'yon para mas makapag-focus siya sa pag-aaral niya. This summer, kapag maganda ang performance mo sa school ay humiling ka sa akin ng kahit na ano. Sky is the limit."

"Is that a promise?"

"You know I never break a promise."

"Deal. I hope you won't regret this, Daddy."

"You know I don't make empty promises."

Nagpatuloy sila sa maganang pagkain. Naunang matapos ang kanyang ama. Papasok pa ito ng opisina kaya nauna na itong tumayo. Saka mabilis siyang hinagkan sa noo.

"I love you."

"I love you, too, Dad. Take care."

Sumunod na rin dito ang kanyang ina para ihatid ito sa driveway. Ganoon kadalasan ang senaryo ng mga magulang niya. And it's kind of sweet she wished one day she will have that kind of relationship with her future husband. 

Her parents are not perfect. Dumating pa nga ang pagkakataong muntik ng maghiwalay ang mga ito. Naging maugong kasi ang usap-usapan noon na may babae ang Daddy niya. Habang ang Mommy naman niya ay parating laman ng mga social functions. But eventually, they tried to work things out. They had to, at least for her sake. They went to a marriage counselor, sinubukan nilang muling kilalanin ang isa't isa. At para sa dalawang taong gustong maayos ang relasyon, walang imposible. Bumalik sa dati ang mabuting samahan ng mga magulang niya.  

And as the saying goes, love is lovelier the second time around. Muling nagdalantao ang kanyang ina. Sadly, her mother miscarried six weeks into pregnancy. At dahil nasa early forties na rin ang Mommy niya, hirap na talaga itong magdalantao. Ayon sa Daddy niya ay wala naman iyong kaso rito dahil kuntento na ito kahit siya lang ang anak ng mga ito.

The Heiress and the ManwhoreWhere stories live. Discover now