Fall

24.8K 1K 116
                                    

ang sexy pala ng sayaw no'ng The Eve (exo dance practice).

waley, share ko lang. ang galing gumiling ni Sehun, manhole na manhole 😂😂😂😂

.

Chapter Six

"HI, babe," amused na tinawanan ni Julianna ang paraan ng pagtawag kay Maxine. Sinalubong niya ng beso ang kaibigan nang dumating ito sa kanyang apartment.

Niyayaya kasi sana siya nitong rumampa, in short maglakwatsa. Gusto rin daw nitong ma-sight ang bago niyang driver. Two days na ang nakakaraan mula nang huling magkasama sina Julianna at Sachi. Kahit gustong-gusto na niya itong muling makita ay inawat niya ang sarili dahil masyado siyang nao-overwhelm sa mga nararamdaman kapag kasama ang binata. Sinabi na lang niya rito na kapag kailangan niya ito ay tatawagan na lamang niya sa cellphone.

"Uy, shala," reaksyon ni Maxine nang iligid ang tingin sa apartment niya. "Mabuti ka pa, may sarili ka ng baler. Ako, ayaw pa akong payagan ni mudrabels na umalis ng pugad. Baka raw kung sinu-sinong mujer ang dalhin ko sa aking magiging bahay. Masyadong morbid mag-isip si mudra."

Natawa si Julianna sa sinabi ng kaibigan.

"Ang hindi niya alam, isa kang paminta," bungisngis na dugtong niya. "And instead of mujer, hombre ang iuuwi mo."

"Hay, naku, baks. Sa totoo lang ay hirap na hirap na akong maging artista. Lalo na kay Amador."

"Amador? Sino na naman 'yan? Bilib na ako sa'yo, ang dami mong kalalakihan." 

"Tange, ang mahal na Poon na ipinaglihi kay Hitler ang tinutukoy ko, si Papa. Natatakot na nga ako dahil parang may gay detector ang ilong no'n. I tried naman, eh. I really, really tried. Pero isa talaga akong mujer na lumabas sa katawan ng isang hombre."

Kahit seryoso ito sa pag-i-emote ay muntikan na namang matawa si Julianna. Nakaka-amused kasing panoorin ang mga galaw nito, sumasabay sa malantik na daliri ang bawat pilantik ng dila.

"Hindi mo naman kasi masisisi na mag-expect nang husto sa'yo ang Papa mo. Bukod sa nag-iisang lalaki ka sa inyong magkakapatid, Junior ka pa."

"'Yon na nga, eh!" napapadyak na sagot nito. "Kasalanan ko bang ginawa niya akong Junior? Pinagtiyagaan ko na nga lang ang pangalang ibinigay niya pati ba naman sexual orientation ko ay siya pa rin ang masusunod?"   

No comment na lang siya. Ayaw naman niyang lalo pang dagdagan ang sama ng loob nito sa sariling ama. Kung tutuusin ay pareho lamang halos sila ng sitwasyon ni Maxine. They both don't want to disappoint their parents even at the expense of their own happiness. 

"Kailangan ko ng lalaki," parang desperadang sabi nito.

"Grabedad! Kapag may problema lalaki ang solusyon, gano'n?"

"Oo!"

"Tumahimik ka nga. Kumain na lang tayo, baka Tom Jones ka na."

"Hmp! Sige na nga."

Nauna na siya rito papunta sa kanyang kusina. 

"Ang cute naman ng kitchen mo, baks. Ikaw na talaga ang maraming anda."

"

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
The Heiress and the ManwhoreWhere stories live. Discover now