Overdose

24.1K 982 102
                                    

Chapter Forty-Six

MASUYONG pinagmasdan ni Sachi ang nahihimbing na diyosa sa kanyang bisig. Ang himbing pa ng tulog nito. Nang tingnan niya ang suot na relo ay mag-iikawalo na ng umaga. He didn't want to wake her. May palagay siyang kapag nagising ito ay uuwi na ito. At ayaw niyang mangyari iyon, ayaw niyang mawala ito sa kanyang paningin.

Hindi niya alam kung bakit siya nagkakaganito. Ngunit pakiramdam niya ay hawak ni Julianna ang kasagutan sa mga nawawala niyang alaala.

We went to the same college.

Hindi siya naniniwala roon. His gut feeling was telling him that they were more than just school mate. Nagkaroon kaya sila dati ng relasyon?

She smells familiar and she feels familiar in his arms, too. As if she belonged there. Pero sino ba ito? At kung totoong may relasyon siya rito gaya ng iniisip niya, bakit hindi sinabi ng kanyang pamilya? O nito mismo. Nag-aalala ba ang mga ito na hindi niya kayanin ang mga matutuklasan niya?

Naisip niyang siya na mismo ang hahanap ng kasagutan sa mga tanong niya. Tumaas ang isa niyang kamay at hinawi ang hibla ng buhok na tumatabing sa mukha ni Julianna. She really doesn't need make-up. Ang ganda-ganda nito. 

"Hm," kumilos ito at automatic na yumapos ang isang braso sa kanya. "Sweetheart, what do you want for breakfast?"

His hand froze in mid-air. Siya ba ang kausap nito o 'yong tinutukoy nitong special someone?

"Sweetie..."

"You?"

Ito naman ang tila natigilan. Pagkuwa'y dahan-dahan itong nagmulat ng mga mata.

"Sachi," parang hindi makapaniwalang reaksyon nito. Then her eyes started watering.

"I want you for my breakfast. Can I?"

Nakatanga lang ito ng may ilang sandali sa kanya. Pagkatapos ay bigla nitong natakpan ang bibig at mabilis na bumangon.

"Julianna."

"Bathroom."

Wala sa loob na itinuto niya ang isang pinto. Tumayo ito at mabilis na tinungo iyon. Nahagod niya ang buhok at bumangon na rin. Pagkatapos ay inamoy niya ang kanyang hininga.

"Bad breath na ba ako?" mukhang hindi naman. Effective ang mouthwash niya.

He picks up the phone on the side table and calls for a room service. After the call ay kumatok siya sa pinto ng banyo. 

"Sweetheart, breakfast is coming up," may pang-aasar na sabi niya. Iyon ba ang endearment nito sa kanyang special someone? Parang gusto na naman niyang mainis. Napahalukipkip siya at sumandal sa dingding sa tabi mismo ng pinto ng banyo. "Nakatulog ka na ba riyan sa loob?"

~0~

NATUTOP ni Julianna ang bibig. Emosyonal na naman siya. It felt wonderful to wake up in the morning lying in his arms once again. Nagulat lang siya nang magisnan itong nakatunghay sa kanya kaya hindi na naman niya napaglabanan ang kanyang mga luha. Mapagkakamalan na talaga siya nitong baliw. O di kaya ay may diperensya ang mga mata dahil lagi na lamang iyong nanunubig.

"Julianna," tawag mula sa labas ng banyo.

Mahal na kondesa. Ah, kailan niya kaya ulit maririnig ang ganoon nitong pagtawag sa kanya? She missed his endearments.

"Naririto na ang breakfast."

"J-just a minute. Maliligo lang ako." Dali-dali siyang naghubad ng lahat ng saplot at tumapat sa shower. Itinapat niya ang mukha sa dutsa para mahugasan ang luha sa kanyang mga mata. Nagsabon siyang mabuti at nag-shampoo.

The Heiress and the ManwhoreWhere stories live. Discover now