They Never Know

20.3K 731 54
                                    

Chapter Twenty Two

"ANG anacondang 'yon. At siya pa ang may ganang i-blackmail ka, ha? Ang kapal ng fezlak niya," nanggagalaiting reaksyon ni Maxine nang ikuwento rito ni Julianna ang naging pagkikita nila ni Drigs. "Ipa-shoot to kill na kaya natin? Tutal mukhang malaki na ang tama sa ulo, eh. Ipasama na natin sa mga najojokhang."

"I want everything to be clean and legal. Ihanap mo ako ng taong puwedeng makatulong sa akin para hukayin ang bahong itinatago ng kanilang pamilya. They stink, I'm sure they're hiding something."

"Malansa ba?"

"I'm not sure. Pero bago pa kami magkaharap ni Drigs ay gusto kong may hawak na akong alas na puwedeng itapat sa sikretong sinasabi niya."

"May kinalaman kaya iyon sa nangyari sa club?"

"Hindi ko alam. It could be about that or about... Sachi."

"So? Gora bels na kina mudrakels at pudrakels bago pa kayo ma-Julie Andrews. At least kung knows na nila, wala ng magiging hold sa'yo si Drigs."

"Hindi ganoon kadali 'yon, Max. Hindi nila alam kung ano ang totoong estado ni Sachi. In fact, ang alam ni Mommy, ikaw ang boyfriend ko."

Gulat na namilog ang mga mata ng beki. Maarte pa nitong natutop ang bibig na para itong nakarinig ng isang nakaka-shock na balita.

"Seryoso ka? Gusto mo akong gawing cover girl--I mean, cover gay?"

"Puwede ba?"

Bumakas ang pagdadalawang-isip sa mukha ni Maxine.

"You should come clean about this, you know. Ang paggawa ng isang kasinungalingan para mapagtakpan ang isa pang kasinungalingan ay lalo lang makakagulo sa sitwasyon mo. Lalo pa nga at ikaw ay jundra."

"Okay, let me asked you this. Kaya mo bang ipagtapat sa tatay mo ang totoo mong sexual orientation?"

"That's unfair. Magkaiba naman ang sitwasyon natin," napanguso ito.

"Ano ba ang pagkakaiba ro'n? Pareho tayong may itinatagong mabigat na sikreto sa mga parents natin na hindi natin magawang sabihin dahil pareho pa tayong nag-iipon ng lakas ng loob. In fact, mas mabigat pa nga ang problema ko kaysa sa'yo. Let's help each other out, okay? If you ever need a cover girl, I am more than willing to volunteer."

"I hate you."

"I know you don't mean it."

"Hmp. Pasalamat ka talaga at mahal kitang watermelon ka," pairap na sagot nito.

Natawa siya.

"I know. Kaya nga kukunin kitang ninang ni Baby Saschia."

"Dapat lang naman, ano? Dahil kung hindi, magkalimutan na tayo."

"Hm, ikaw pa ba? Baka nga ikaw lang ang maging god parent nito, eh. Ay, meron pa nga palang isa. I'll introduced you to her."

"Da who?"

"Si Ella. Classmate ko. You'll like her, for sure."

Tumunog ang buzzer. Excited na tumayo si Julianna. Halos dalawang araw rin silang hindi nagkita ng nobyo. At may palagay siyang si Sachi ang dumating dahil kausap niya ito kani-kanina lang bago pa dumating si Maxine.

"Uy, na-missed niya si Felix," tudyo ni Maxine nang tunguhin ni Julianna ang pinto.

"Kailan pa naging Felix ang pangalan ng boyfriend ko?"

"Felix Bakat. Slow."

"Tse." Natatawang binuksan ni Julianna ang pinto.

At hindi nga siya nagkamali.

The Heiress and the ManwhoreWhere stories live. Discover now