Deep Breath

22.6K 816 55
                                    

Chapter Eighteen

NAG-AALALANG hinagod ni Sachi ang likuran ni Julianna. Nagsusuka na naman ito paggising nila ng umagang iyon. Hinang-hina itong napasandal sa dibdib niya. Pinunasan niya ng bimpo ang pawis nito. Nagmumog ito habang nakaalalay ang braso niya sa beywang ng nobya. Pagkatapos ay binuhat na niya ito pabalik ng kama.

"Kaya mo bang pumasok bukas?" worried na tunghay niya rito habang hinahagod ng mga daliri ang mahaba nitong buhok. "First day of school pa lang naman. Okay lang kahit hindi ka muna pumasok."

"No, kaya ko. Ikaw lang naman itong masyadong nagbe-baby sa akin," nakalabing sagot nito.

"Kasi ikaw muna ang baby ko habang hindi pa lumalabas ang baby natin."

Nakita niyang biglang nangatal ang mga labi nito. Sa tuwing sasabihin niya iyon--baby natin--ay ganoon ang reaksyon nito. Hindi siya sigurado kung sadyang emosyonal lang ang mga buntis o dahil hindi pa rin ito makapaniwalang pananagutan niya ang dinadala nito.

"Sachi."

"Ang seryoso mo. Huwag kang ganyan. Kinakabahan ako."

"Parang sira 'to. May gusto sana akong itanong sa'yo."

"Mukhang seryoso nga. Kakabahan na ba ako?"

Napalunok siya nang tumutok ang magandang pares ng mga mata nito sa kanya. Iyon ang unang nakaakit sa kanya rito. Her beautiful brown eyes with thick long lashes. Kahit walang make-up ay natural na maganda.

Napahinga siya nang malalim at tinabihan ito sa kama. Kaagad itong umunan sa kanyang braso at parang batang sumiksik sa kanyang dibdib. Kaagad namang yumakap ang isa niyang braso rito.

"Ask anything you want."

"Talaga? Hindi ka magagalit?"

"Magagalit lang ako kung sasabihin mo sa aking hindi mo ako mahal. Pero sandali lang 'yon. Dahil gagawa ako ng paraan para mahalin mo ako."

"Silly. You know how much I love you. Ikaw nga itong pakipot, eh. Kulang na lang ligawan kita pero tinatanggihan mo ako."

Nangingiting hinapit niya ito sa dibdib at hinagkan ang ituktok ng ulo.

"I love you."

"I love you."

Hahalikan niya sana ito ngunit mabilis nitong tinakpan ng isang kamay ang bibig.

"Vomit breath."

"So?"

"Eww. Gutom na rin ako. So my breath probably stinks like the sewer."

"Tsk. Bakit hindi mo sinabi kaagad? Ipagluluto na kita ng breakfast. Ano ang gusto mong kainin?"

"'Yong GG na binili natin kahapon. Gusto ko pritong GG at loaf bread."

"Ang weird mo namang maglihi."

"Nagrereklamo ka?" nakataas ang mga kilay na tanong nito.

"Ay, hindi. Pagdating sa'yo at sa baby natin, wala akong karapatang magreklamo. Tara sa kusina, doon tayo magtutuos."

"Ano?"

"I mean, 'yong GG. Sentensyahan na natin sa kawali."

Napangiti ito.

"Bakit? Ano ba ang iniisip mo, ha? Huwag mo akong binibigyan ng mga idea, at baka kahit nahihilo ka..."

"Ano?"

"Aba, mukhang naghahamon ang buntis."

Namumulang umingos ito. "I don't know what you mean."

"You don't know what I mean but you are blushing. Blushing, blushing."

The Heiress and the ManwhoreWhere stories live. Discover now