Sweet Lies

25K 1K 130
                                    

I really-really love her version of this song. and I felt, this song is very fitting for this chapter. sana mapakinggan niyo rin for the feels. :)

.

Chapter Forty-Five

I'M A one-man woman.

Fuck that, saloob-loob ni Sachi. Ngayon lang siya naghangad ng ganito. At hindi siya makapapayag na hindi makuha ang gusto niya.

Ngunit paano niyang mapapaamo sa kanyang mga palad ang isang babaing naririto na ang lahat? Money, a good education, prestige and love...?

He was wracking his brains for ideas when a sweet melody suddenly filled Grand Dame.

Wise men say, only fools rush in.
But I can't help, falling in love with you.

"Would you like to dance?"

Mukhang nagulat ang kasama niya sa kanyang tanong. Pero kaagad din namang naguhitan ng ngiti ang mga labi nito.

"Sure."

He took her hand and led her to the dance floor. May ilang couples na roon na nagsasayaw. Hindi siya sigurado kung marunong siyang sumayaw. Pero iyon kaagad ang naisip niyang gawin nang marinig niya ang malamyos ng boses ng singer.

Awtomatikong dumako ang kamay niya sa beywang ni Julianna. Ngunit dumaplis ang kamay niya sa likuran nito. Dahilan para ma-realized niya na backless ang suot nitong damit at kita ang maputi at makinis nitong likuran. Sa isip ay tahimik siyang napamura at nagtagis ang mga ngipin.

"Bakit naman ganito ang damit mo? Kinulang ba sa tela ang binilhan mo nito?" naiinis na bulong niya sa dalaga.

Narinig niya ang mahina nitong pagtawa.

"Ano ang nakakatawa sa tanong ko?"

"Ikaw. Para kang lalaking sinauna."

"Ayaw ko lang na pinagpipiyestahan ng iba ang pag-aari ko."

"Excuse me?" Bahagyang lumayo sa kanya si Julianna at tumingala para tingnan siya.

"You are mine, aagawin kita sa special someone mo."

Kitang-kita niya nang tila manubig ang mga mata nito. Nasaktan niya ba ito, natakot? 

Bago pa niya nasagot ang sariling tanong ay humilig ito sa dibdib niya at idinantay ang magkabilang kamay sa balikat at dibdib niya.

"I would love to see you try."

Hindi siya nakasagot.

Shall I stay? Would it be a sin?
If I can't help, falling in love with you?
Like a river flows, surely to the sea
Darling so it goes
Some things are meant to be.

"Ang bango mo," bulong niya rito habang sinasamyo ang amoy nito.

"Coco Chanel."

Mapapangiti sana siya nang isang malabong eksena ang biglang nag-pop sa isipan niya.

"Don't worry, kahit one week kang hindi maligo, amoy-Coco Chanel ka pa rin."

Natutop niya ang ulo at napahinto siya sa pagsayaw nang gumuhit ang matinding kirot.

"Sachi, Sachi, are you okay?" worried na tanong ni Julianna. Inabot pa nito ang kanyang mukha at hinaplos ang kanyang pisngi. "Sachi."

Bakit parang napaka-pamilyar dito ang pagbigkas sa kanyang pangalan?

The Heiress and the ManwhoreWhere stories live. Discover now