Chapter 34 DMWMBB

5.6K 195 22
                                    




Rouge's POV


Hapon na ng makauwi ako. Alam kong andito si Lucas kasi nasa labas ang sasakyan niya. Nagkasalubungan kaming dalawa sa hallway habang papunta ako sa silid ko. Nakaayos siya at mukhang may pupuntahan.

"Just got home? How was your date?" He smirked.

"I had great time. What about yours?" He scoffs at naglakad papalapit sa akin.

"I actually have dinner date with him." Pagyayabang niya, trying to make me jealous? Napatingin ako sa labi niyang halatang naglagay ng lip balm, lip gloss, lipstick? Ewan ko hindi ko matukoy kong anong nilagay niya, kasi shiny ito and glossier. Huh! He's putting efforts for that guy now? Nag-iwas ako ng tingin para hindi mahalatang nangingilid ang luha ko.

"Good for you. I'm just gonna rest. I'm tired. Enjoy your date." Sabi ko at pumasok na sa kwarto ko. Napahikbi nalang ako at napaupo sa pinto.

*knock knock*

Dali dali akong napatayo at pinunasan ang luha ko. I thought umalis na kasi sya di ko alam na andito pa sya.

"What?" Tanong ko sa gitna ng paghikbi ko. I did not dare open the door.

"I cooked something for your dinner, help yourself." Do you think after all this I still have an appetite to eat?

"I'm not hungry."

"Ok." Narinig ko na ang mga yapak nito papalayo.

"Please don't go. Don't leave me here alone." Bulong ko hanggang sa narinig ko nalang ang ugong ng sasakyan niya. Tumakbo ako sa bintana at nakitang papalayo ang sasakyan niya.

I miss him so much. I miss Lucas so much, it feels like it's been ages since I last hugged him, kissed him, feel him. If this will last for too long, I don't think I will make it. I will definitely go crazy.

Di ko namalayang nakatulog na pala ako sa sobrang iyak. Mabigat ang katawan ko at hilong hilo na din kasi ako. Ang weird ng katawan ko lately. Hindi ko maintindihan kung ano ang nangyayare sa akin.

Pilit akong bumangon ng mga bandang alas dyes. I can tell Lucas is not home yet kasi nakapatay pa din ang ilaw sa sala. Maliban nalang kung tulog na ito. For ghad's sake Rouge, can you please stop thinking about him for once? Puro ka nalang Lucas, Lucas nakakairita na, ano ba?!

Hilong hilo akong naghanap ng makain sa fride kahit hindi naman ako gutom, honestly wala akong ganang kumain. I feel so weak and I think I really have to eat something and rest. Napagod ako siguro dahil buong araw kaming nag aliw ni Khel.

Buti pa nga yung ibang tao, na di ko kaano ano nag eeffort na mapasaya ako. Eh yung asawa ko na sya lang na meron ako ay tuluyan na akong nakalimutan at isinantabi.





Lucas' POV


Kasalukuyang nagdidiner kami ngayon ni Dan but for some reason I can't taste the food. I don't even know what I am eating. Si Dan naman he is telling me something about his business trip plus vacation but I can't hear him at all. Para akong nabibingi, I can't hear anything but the sobs coming from her room before leaving her.

I was pissed off too when she told me that she is having date with that guy and she's with him the entire day. It made me more pissed when she kissed him knowing that she's aware I'm there. Probably she thought I am having a date with Dan too, but I was not. It was a business matter.

I really can't read her actions sometimes. And whatever made her act like this, is because of me. Because I am such a jerk.

Napatitig ako sa singsing na kapares ng sa kanya. I'm useless, I'm heartless, I'm selfish. I did nothing but to make her cry.

Drunken Mistake with my Beki Boss (COMPLETED)Where stories live. Discover now