Sa huli ay pinili kong maligo nalang muna. Hindi ko alam kung kailan inihanda ni Maxwell ang damit at gamit ko, o kung siya nga ba ang umikaso niyon. Posible kasing si Wilma.

Nang muli akong bumalik sa kitchen ay nakahanda na ang mesa. Naroon pa rin si Wilma at isinasalansan ang hindi mabilang na dyaryo. Naiilang man ay naupo ako at sinimulang kumain. Hindi ko maiwasang ngumiwi habang pinanonood nang palihim si Wilma. Nakataas ang kilay niya habang abala sa ginagawa. Naisip ko tuloy na ganoon niya kadisgusto ang aking presensya.

Sa kalagitnaan ng pagkain ay nag-ring ang cellphone ko. Si Maxwell agad ang pumasok sa isip ko ngunit ang tumatawag pala ay si mommy.

"Mom!"excited kong sagot. Nagkatinginan kami ni Wilma, ngumiti ako ngunit agad siyang nag-iwas ng tingin.

"Hija,"agad kong nahimigan ang pagtatampo sa tinig ni mommy, iyon palang ang sinasabi.

Napangiti ako. "How are you, mom? How's dad? How's everything?"

"Hmp,"talagang nagtatampo ang mommy. "Hindi ka man lang tumatawag sa amin ng daddy mo, nagtatampo na ako, 'ga."

Lalo pa akong natawa. "Sorry, mom. Busy sa trabaho."

"Dati ka naman nang busy sa trabaho pero humahanap ka ng oras para sa amin ng daddy mo. Kumusta ka naman diyan sa Palawan?"

Agad na pumasok sa isip ko ang nangyari kagabi lang. Bumilis na naman ang tibok ng puso ko. Kumalma ako. Ayaw kong mahalata ni mommy ang takot sa boses ko.

"Masaya po, mommy,"pilit ang ngiti kong sabi.

"Ate!"Nailayo ko sa tainga ko ang telepono nang mangibabaw ang matining at nakaririnding boses ni Zarnaih.

"Zarnaih's there? What is she doing there?"naiinis, naiinggit kong tanong. Ngunit tawa ang isinagot sa akin ni mommy.

"'Oy, ate!"si Zarnaih na ang nasa kabilang linya. Umikot ang paningin ko sa inis. "Napakaganda ng Cebu dahil wala ka!"

"Ambot sa imo, Zarnaih,"umiirap, napapasapo sa noong sabi ko.

"Libang na libang ka ba kay Maxwell, pati pamilya mo hindi mo na kinukumusta?"pang-aasar niya pa. "Aba, 'te! Kung hindi pa pala ako umuwi, hindi ka makakausap ng mommy?"

Nasapo kong muli ang noo ko. Na-guilty ako dahil totoong nawala sa isip kong tumawag o mag-text para kumustahin sila. "Sorry,"malungkot kong sabi.

"Kuyaw,"pang-aasar muli niya. "Siguro nagising na si Maxwell sa katotohanan, at nagmamabait ka, 'no?"

"Will you just give the phone back to mommy, Zarnaih? Siya ang gusto kong makausap at naririndi ako sa 'yo."

Agad na sumunod ang kapatid ko. Nangyari nga ang kumustahan naming mag-ina pero panay ang dada ni Zarnaih. Hindi lang talaga bibig ang malakas sa kaniya, pati tainga. Kahit iba ang magkausap, naririnig niya. Ang matindi pa ro'n, walang hinto ang bibig niya sa pagkokomento.

Hindi rin nagtagal ang usapang iyon, sinabi kong kailangan ko pang pumasok. Sa daan ko naramdaman kung gaano ko na ka-miss ang family ko. Kahit pa ganoon ang bibig ng kapatid ko, kahit papaano ay nami-miss ko rin naman siya. Higit na ang parents kong matagal na noong huli kong nakita.

Sinadya kong dumaan sa emergency room nang makarating sa hospital, nagbabaka-sakaling naroon si Maxwell. Nabigo ako sapagkat ilang nurses at pulos pasyenta na ang nakita ko. Malungkot akong dumeretso sa area ko. At nagulat nang madatnan ko si Keziah doon.

LOVE WITHOUT LIMITSWhere stories live. Discover now