Kabanata 8 ( Popular )

127 65 10
                                    

Balik muna tayo sa kasalukuyan bago maganap ang trahedya sa mga magulang ni Gena at Guilla
Warning! No edit ✌✌✌

Click on the side >>>
Throwback picture ni Gena from 11 years old now 16 years old

Road to 200 reads! Ayiehh!!!
Sorry natagalan ang update
Sana may nagbabasa pa rin.

Taong 2014

Popular

  Parang kailan lang 11 taon gulang pa lang si Gena ngayon nag throwback na sya 5 years ago na pala ang nakaraan. 5 taon na syang lihim na vlogger. Food vlogger, make up tutorial vlogger at ghost writer.

     Walang nakaka alam sa bago niyang school na siya ay sikat na vlogger. Isang taon pa lang ang nakakaraan ng mag desisyon ang kanyang mga magulang na lumipat sila dito sa Baguio City. From Manila biglaan ang kanilang paglipat, dahil dito na destino ang kanyang papa na isang supervisor sa isang minahan. Mas malaki kase ang offer kaya naman pumayag na rin si papa kahit pa isang taon na lang ay mag tatapos na ako sa Grade 10.

     "Duh?!! Ayan na naman siya ang creepy talaga ng babaeng ito! Ngumingiti at tumatawang mag isa." Dinig ni Gena habang papalapit ang mga "mean girls" na walang ibang ginawa kung hindi laitin at pansinin ang bawat kilos niya simula pa lang na unang tapak niya dito sa private school na ito.

     Sinabi na kasi niya sa mga magulang na huwag na sa private school pero sila mapilit para hindi daw siya mahuli sa curriculum. Para naman sa kanya mas okay pa rin ang public school na pinanggalingan nya sa PhiSci( Pisay). Iskolar sya pero kailangan nya i give up iyon at lumipat agad agad ng private school dito sa Baguio.

     Dedma na lang si Gena, ayaw na nya patulan mga ito, habang di pa naman siya nasasaktan ng pisikal ay ayos lang. Wala naman sila alam kung bakit lagi ako mag isa at laging nakangiti at tumatawang mag isa. Nakakatuwa kasi ang mga subscribers at followers ko all over the Philippines. I mean worldwide pa. Hindi sila maka paniwala na ako iyong nasa throwback picture na ni upload ko.

RIIINNNNNGGG (tunog ng bell yun ehehe)

     Dali dali na dinampot ni Gena ang mga gamit niya, hindi nya namalayan na time na pala. Lakad takbo ginawa nya nasa 5th floor pa naman ang classroom nila. Grade 10 na sya at super terror pa naman ang teacher nila sa Filipino.

BOOOGGSSHHH

"Hala!!!" Nahulog mga dala dala ni Gena including ang term paper na isa submit niya ngayon sa Filipino.

"I'm sorry miss, nagmamadali kasi ako. Here let me help you with that." Sabi ng boses ng lalaki na nakabunggo niya. Pinulot naman nito isa isa ang mga nag kalat na bond paper at inayus pang mabuti sa folder.

"Naku, okay lang po! Salamat po, sorry rin po nagmamadali po kasi ako. " Sabay abot ni Gena sa mga gamit na pinulot ng lalaki. Lakad takbo pa rin siya di man lang nakita ang itsura ng lalaki na nai iling at nangigiti.

RIIINNNNNGGG

     Sakto nakarating si Gena sa tamang palapag buti na lang at wala pa ang terror na Filipino teacher kaya na ayos niya pa ang nakalat na term paper. Maayos naman pala, nakakahiya sa nakabunggo ko, di ako nakapag pa salamat at naka hingi ng sorry. Sabi nya sa sarili.

     Natapos naman ang hapon na yun na puro discuss at surprise quizzes ang pinagawa ng mga subject teachers nila. Buti na lang at naka pag aral siya kagabi at nakapag advance reading, Alam na kasi nya na ganon ang lagi nangyayari kaya inu unahan na nya ng advance reading para di sya kulelat sa quizzes lalo na sa recitations. Di naman sya mahilig mag taas ng kamay pero hilig siyang tawagin ng kanyang mga subject teacbers.

" Hi Gena!" Bati ng isang classmate nya sa kanya. Guwapo ito at sikat sa kanilang school. Popular ito dahil na rin sa varsity player ng basketball at president pa ng SGO at matalino rin ito lagi nangunguna sa klase o dating nangunguna sa klase pero ng dumating ako. Ako na ang madalas manguna sa klase.

"Oh? Hello Ralph!" Ganting bati nya sa lalaki. Saka nagmamadaling naglakad, palabas na sana sya ng gate ng habulin sya ni Ralph at hawakan sa braso.

"Saglit Gena! "  pigil ng lalaki kaya napahinto at harap sya sa binata. Namumula ang mukha at napapakamot pa sa ulo. Ang cute nya, lahat na ng hahanapin sa ideal guy nasa kanya na pero wala sya maramdaman na spark. Hindi sya manhid alam niyang may something si Ralph sa kanya simula pa lang unang nagkakilala sila kaya lang ewan niya at wala siyang interes dito.

"Yes Ralph? May sasabihin ka ba? " tanong ko sa kanya.

"Ahh kase, haha!" Napapa kamot pa rin ito sa ulo na parang nahihiya.

"Iimbitahan sana kita mag snack kung hindi ako nakaka istorbo sa lakad mo? "  tanong ni Ralph.

     Tinitigan nya ang binata at nangingiti na lang kasi pulang pula na ito at mukhang inagawan ng kendi sa itsura. Ilang beses na syang niyaya ni Ralph kaso lagi nya ito  tinatanggihan dahil sa mga  "mean girls" . Nakakahiya naman tanggihan lagi. Wala naman siguro masama classmates naman sila saka ang cute cute nito ngayon habang naghihintay sa sagot ko.

"O sige na nga, pero saglit lang tayo at diyan lang sa malapit at kailangan ko rin  umuwe ng 5pm kase yun kapatid ko hinihintay ako.  May lakad kase sila mama at papa. ". Dire diretso kong sagot.

Nanlalaki ang mata niya ng marinig iyon, akala mo naman kung anong good news ang sinabi ko. Masyadong halata ang isang ito. Hindi naman sa assuming ako. I get that a lot from boys, kahit pa noong nasa Manila ako kaso wala pa kasi sa isip ko ang boys at lovelife.

" Yes, sure of course Gena may 2 hours pa naman, kahit diyan na lang sa malapit na coffee shop ? " Alanganing tanong ni Ralph.

"Sure no problem mas maigi iyon kasi may bibilhin rin ako na paborito ng kapatid ko."

Sabay na kami lumabas ng gate at dumiretso na sa malapit na coffee shop.

A/N: Sorry bitin ulit
Abangan ang magiging papel ni Ralph sa buhay ni Gena. Thanks for reading!

Pa follow naman VOTE LIKE and COMMENT na rin kayo. 💗💗💗

SOMEDAY ( TAGLISH ) [ONGOING ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon