Kabanata 5 ( Struggle )

146 69 5
                                    

A/N Sorry wala po edit ang mga chapters.

Struggle

Ito na po ang flashback ng mga magulang ni Gena.

THIRD PERSON'S  POV

Taong 2009

     "Arnulfo anong gagawin natin?  Paano na tayo? "  Litong tanong ni Lilian sa asawa nya na si Arnulfo. Parehong nag tra trabaho sa shipping company ang mag asawa at nalaman nila na nagkaroon ng anomalya ang may ari nito at ngayon ini imbestigahan ng mga awtoridad kaya pwersahan tigil operasyon ang shipping company.


     Sa receiving si Lilian at checker naman si Arnulfo. Di umano ay may kasamang iba't ibang drugs ang mga produkto na ina angkat nila mula sa ibang bansa. Mag 12 taon na sila sa kompanya na ito. Dito sila nagka kilala at nag ibigan. Hanggang sa kinasal sila at nag ka anak. Si Genalyn 11 taong gulang may sakit na anemia kaya kailangan buwan buwan nasasalinan sya ng dugo dahil kung hindi ay babagsak ito sa leukemia.


     Ngayon kung kailan  naman kailang kailangan nila ng pera ay ngayon pa nangyari ito, naka schedule ang blood transfusion niya sa sunod na linggo pero di naman sila mapapa sahod gawa ng tumakas ang may ari at walang pondo para mapa sahod sila.


"Hindi ko rin alam Lilian, pero di bale gagawa ako ng paraan may naipon naman tayo kaya ayos lang siguro habang naghahanap tayo ng bagong trabahong malilipatan. Ako na muna ang mag hahanap, ikaw na muna sa bahay at asikasuhin si Gena. " Positibo pa rin si Arnulfo, naniniwala sya na pagsubok lang ito at may mas magandang trabaho na nakalaan para sa kanila.


     Lumipas ang mga araw, pilit naghanap ni Arnulfo ng trabaho habang si Lilian ang nag a asikaso sa pag papa blood transfusion ni Gena. Pero isang buwan ang nakakalipas wala pa rin swerte na mahanap lalo pa at nalaman nila na galing si Arnulfo sa kontrobersyal na kompanya na kasangkot ang droga.
Isang araw habang abala ang mag asawa sa kanilang tahanan, may biglaang tawag silang natanggap.


Krrrinngg Krrrrinnnngg


"Hello? " Sagot ni Lilian.


"Magandang araw po, ito po ba ang magulang ni Genalyn Velez sa ... elementary school po ito." Sagot sa kabilang linya.


"Oho, ito nga ho? Ano pong kailangan nyo? May nangyari ba sa anak namin? "


"Ma'am nahimatay po ang anak nyo at dinala po namin sya dito sa ... hospital, puntahan na lang po ninyo sya dito."


"Diyos ko po, sige salamat." sagot ni Lilian.


"Arnulfo madali ka! Ang anak natin nasa ...hospital nahimatay sya sa school."
Hindi na mapakali si Lilian at takot na takot na kumilos at nagmamadali para maka punta na agad sila sa ospital.

"  Romeo! Romeo! " Sigaw ni Arnulfo sa kapitbahay, "maaari ko bang mahiram ang motor mo kailangan namin makapunta agad sa...hospital sinugod si Gena dun at nahimatay."

" O sige pare,  walang problema. Sana ayos lang si Gena." pagpayag ni Romeo.


Dali dali na silang nag tungo sa ...hospital, pero pag dating nila doon laking gulat nila at masiglang masigla na ang anak nila.

"Salamat  sa Diyos, akala ko kukunin ka na sa amin anak." Sobrang higpit ng yakap ni Lilian. Habang si Arnulfo ay nai iling na lang. Tuwang tuwa sa itsura ng anak. Napaka bibo talaga.


" Ma'am, Sir nasobrahan lang po sa laro at takbo ang anak nyo kailangan lang niya ng pahinga at  huwag po muna masyadong magpa pagod para di na maulit ang nangyari kanina. "  Paalala ng doktor.

" Maraming salamat po dok! Narinig mo yun Gena? Napaka likot mo kasi takbo ng takbo." Sabay pisil sa pisngi ng anak nya.

"Opo mama, nag alala po ba kayo ng husto ni papa?" Sabay lingon sa papa nya.

" Sorry po papa, promise po di na ako mag papagod para  di na kayo mag alala! " Sabay taas ng kamay.

" Naku, ok lang anak. Alam naman namin na di mo mapipigilan kase napaka bibo mong bata." Sambit ng kanyang ama.

"Basta sa susunod mag i ingat ka ha? Wag mo na kami ulit pag a alalahanin ng ganito. " Sabay gulo ng buhok ng anak.

"Arnulfo, asikasuhin ko lang ang bill ni Gena ang mabuti pa ihatid mo muna sya sa bahay at balikan mo na lang ako dito. Tutal malapit lapit lang naman."


Ganoon nga ang ginawa ni Arnulfo at iniwan saglit si Gena sa bahay para sunduin si Lilian at hindi nila inakala na isang aksidente ang kakaharapin nila.

Itutuloy...

A/N : Sorry bitin ulit. May nagba basa po ba? Dumadami na reads ehehe. Salamat po silent readers, vote naman po kayo ehehe. Ang flashback po ulit ng magulang ni Gena abangan.

SOMEDAY ( TAGLISH ) [ONGOING ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon