Kabanata 6 ( The Accident )

135 65 8
                                    


A/N: Ito na po ang Part 2 ng flashback ng mga magulang ni Gena. Pasensya na hindi ko ito na edit  pag bigla ko na lang maisipan mag sulat ng update ayun sulat sulat na lang para di ko makalimutan.

READ AT YOUR OWN RISK!

The Accident 

Taong 2009

Sa panahong ito ay 11 years old pa lang si Gena at si Doc Xander ay 20 years old na so marami mga kaganapan sa mga buhay buhay nila kaya abangan sa mga susunod na chapters. Wala lang gusto ko lang aware kayo haha, bawal ba mag explain? Lol! Love you! 💓💓💓

THIRD PERSON'S POV

      Pagkarating ng mag amang Gena at Arnulfo sa bahay. Agad agad pinag pahinga ni Arnulfo si Gena sa kanyang higaan.

"Anak magpahinga ka muna ha? Sunduin ko lang mama mo sa ospital. Tutal alas 2 pa lang ng hapon at para tuluyan ka ng lumakas."Bilin ni Arnulfo kay Gena.

"Opo papa, salamat po." Sabay ngiti ni Gena sa papa nya.

" Balik kayo agad papa ha? Hintay ko po kayo ni mama. " sabi ni Gena.

"Oo anak sandali lang kami malapit lang naman ang ospital. May gusto ka bang kainin o pasalubong? " Tanong ng ama.

"Wala po papa mamaya mag i isip ako, hihihi. Tulog po muna ako. I love you po! ". Sabi ni Gena na ina antok antok na.

"Naku, ikaw bata, sige matulog ka na at susunduin ko ang mama mo. I love you too anak! " Sabay haplos sa buhok ng anak na nakapikit na, hinalikan nya ito sa noo bago nag pasyang lumabas ng kuwaro ni Gena.

     Bago umalis si Arnulfo ng bahay pumunta sya saglit sa kanila Romeo.

"Romeo? " Tok! Tok! Tok!

"Oh Arnulfo? Kamusta si Gena? Tanong ni Romeo pagbukas ng pinto.

"Ayos naman sya pare, haha kinabahan kami doon buti at di naman malala, napagod lang sa paglalaro at pagtakbo alam mo naman yun napaka likot. " Masayang balita ni Arnulfo.

"Hahaha! Napaka bibo talaga ng anak mo buti naman at ayos na siya, may kailangan ka pa ba?"  Dagdag sagot at tanong ni Romeo.

"Makikiusap sana ako kay Naty pare iniwan ko saglit si Gena natutulog sa kwarto nya. Sundo ko lang si Lilian sa ospital at ina ayos pa ang bill ni Gena para na rin di kami loaded sa motor at malapit lang naman. " Sabi ni Arnulfo.

"Ay ganon ba? O sige walang problema, saglit tawagin ko si Naty. "

"Naty! Naty" . Sigaw ni Romeo.

"Oh, Romeo?" Sagot ni Naty galing kusina.

"Halika muna dito at may ibi bilin si Arnulfo sa iyo."
Nagmamadali naman lumabas si Naty.

"Ay Naty, pasensya na sa istorbo." Sabi ni Arnulfo at napapa kamot sa ulo.

"Asus, pare ok lang nag luluto ako ng meryenda na bilo bilo paborito ni Gena. Ah kamusta pala sya?" Tanong ni Naty.

     "Ok na sya mare, andun sa kuwarto nya natutulog. Makikisuyo sana ako sa iyo, paki silip sya, saglit lang ako sundo ko lang si Lilian sa ospital. " Pakiusap ni Arnulfo.

"O sige walang problema, malapit na maluto ang bilo bilo. Sisilipin ko sya at kung magising papakainin ko na rin ng bilo bilo." Sagot nito.

"Maraming salamat talaga sa inyo! Di ko alam talaga gagawin namin kung wala kayo na mababait na kapitbahay namin. "  Pagpapa salamat ni Arnufo.

     Agad na nagtungo si Arnulfo sa ospital, medyo napapabilis na sya at wala naman siyang kasama kaya mabilis siya nakarating sa ospital at nakita na nya si Lilian na nag aabang sa waiting area sa labas ng emergency.

"Kamusta ang anak natin Arnulfo?" Tanong agad ni Lilian pagsakay nya sa motor.
"Maayos naman siya, iniwan ko doon na natutulog. Sabi ko saglit lang tayo at sundo kita binilin ko na rin kay Naty." Sagot naman ni Arnulfo at pina andar na ang motor.

     Dali dali nila tinatahak ang highway dahil wala naman gaanong sasakyan sa gawi doon kaya nakaka singit singit siya at nilalampasan ang mga nadadaanang mga sasakyan ng sa ganon makauwi agad sila ng bahay. Isang intersection na lang kung saan mai ipit sila sa traffic bago lumiko pakanan. Hindi niya na isip na malapit na mag stop sign pilit pa rin niya hinabol kaya hindi niya inaasahan na isang SUV ang dire diretso rin ang paandar at mabilis na tumama sa pader pagkatapos niyang sumingit paliko ng intersection. Ang bilis ng pangyayari, ang lakas ng pagkaka salpok ng SUV hindi niya inaasahan na ang bilis niyang pag singit sa daan ay maglilikha ng karumal dumal na aksidente.

"Arnulfo?!!!" Sigaw ni Lilian sa asawa, napahinto sila dahil sa aksidenteng nangyari.
Agad agad silang lumapit sa SUV at umaasang hindi grabe ang mga tinamo ng mga lulan nito. Ngunit hindi nila akalain na sobrang wasak ang harapan at halos mayupi hanggang gitna nito. Gulantang na gulantang si Lilian halos mawalan siya ng lakas sa nasaksihan.

"Arnulfo??!!! Tumawag ka ng tulong, mahabaging Diyos, patawarin niyo po kami hindi namin sinasadya.." Napaluhod na si Lilian sa daan at histerical.

Makalipas ang mga humigit kumulang 20 minutos dumating ang mga traffic enforcers, pulis, rescuer at ambulansiya. Halos pagkaguluhan ng mga tao at miron ang pinangyarihan ng aksidente. Samantalang sila Arnulfo at Lilian ay naghihintay sa maaaring kahinatnan ng aksidenteng  ito.

     " Arnulfo??!!! Anong gagawin natin??!! Huhuhu, bakit nangyayari sa atin ito??? Kahit ano pang gawin natin alam ko may kasalanan tayo dito??!!! Huhuhu. Halos mag wala, tumalon at lumuhod si Lilian sa nasaksihan at lalo na sa aksidente na alam nila na sila ang may kagagawan.
"Kumalma ka Lilian, alam ko inaamin ko kasalanan natin ito, haharapin ko sila haharapin natin ito hindi tayo tatakbo. " Kalmadong saad ni Arnulfo.

" Mawalang galang lang po alam niyo po ba kung paano nangyari ang aksidente na ito? " Tanong ng isang pulis sa kanila.

"Opo kami po, kami po ang may kasalanan ng lahat di po namin sinasadya. " Pag amin ni Lilian sa kasalanan.

"Ahh sige po, maaring sumama na lang po muna kayo sa amin sa presinto ng ma idetalye ninyo ang eksaktong nangyari habang kinokontak po namin ang pamilya ng mga biktima." Sagot ng pulis.

"Sir?!!" Puwede ho bang sumama muna kaming  ospital gusto po namin masiguro ang mga kalagayan ng mga taong nadamay sa aksidente, hindi po ako mapapalagay hangga't di po namin nasisiguro na ayos lang sila. Kahit samahan niyo na po kami" Pagpupumilit ni Lilian.

" A, sige po para na rin makausap niyo ang kapamilya ng mga biktima."   Patapos na sabi ng pulis.

End of flashback

Abangan ang mga kaganapan matapos ang pirmahan ng kontrata. Refresh taong 2009 pa rin. Bago tayo bumalik sa present kung saan namatay parents ni Gena gets? Ehehehe magulo ba?
A/N:  Ehehe medyo mahaba haba ng konti para sa mga silent readers diyan kaway kaway.
VOTE LIKE AND COMMENT kung trip niyo kung hindi ok lang din. Love you all!
💓💓💓

SOMEDAY ( TAGLISH ) [ONGOING ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon