Kabanata 7 ( Bilo- Bilo )

132 68 8
                                    

Again uulit ulitin ko, NO EDIT
Imbento lang ito wag seryosohin pati mga characters ni screen grab ko lang.

Vlogger G at 11 years old on the side click media

Taong 2009

Bilo-Bilo

Nagising si Gena na tahimik pa rin sa paligid. Tumingin sya sa tabi ng bedside table. Alas 5 na. Napabangon sya bigla.

" Nakatulog pala ako ng matagal." Sabi nya sa sarili.

" Asan na ba sila mama at papa?" Tuluyan na siyang bumangon sa higaan.

"Ma? Pa? " Tawag niya sa mga magulang. Hindi siya sanay na wala ang mama at papa niya na ganitong oras at ganito katagal.

May biglang pumasok sa kanilang pintuan.

"Oh, Gena gising ka na pala. Nagugutom ka ba? " Bungad ni Ninang Naty sa kanya.

"Hello po ninang." Sabay mano ko sa kanya.

"Kaawaan ka ng Diyos anak, kamusta ka ang haba ng tulog mo sana naka bawi ka ng lakas mo. " Sabi ni ninang.

"Ayos na po ako ninang! Pwede na ulit ako mag adventure mamaya hihihi" . Sabay hagikgik ko.

"Ikaw talagang bata ka, napaka kulit mo. Wala pa sila mama at papa mo, di bale ibinilin ka sa amin. Ako muna mag asikaso sa iyo ha? Kase may ina asikaso silamg importante at may kakilala sila na nasalubong at nagkatuwaan na mag bonding saglit. "  Pag dadahilan ni Naty bagamat alam niya ano ang napasukan na problema ng mag asawa, gulat na gulat sila ni Romeo ng tumawag ang mga ito kanina at sinabi ang nangyaring aksidente at naki usap sila kung maaari huwag ipa paalam kay Gena ang lahat.

"Ganon po ba ninang? Ok po, salamat po ninang." Sabi ko.

"Teka Gena nagugutom ka ba? Nagluto pala ako ng paborito mong bilo bilo."

" Wow! Talaga po ninang?!! You're the best ninang in the world" sabay yakap ni Gena sa kanyang ninang sa likod.

"Naku nang uto ka pa ei nag i isa lang naman akong ninang mo haha,iyun ibang ninang mo wala? Asan sila? MIA? " Balik biro ni Naty.

"Si ninang talaga di pa naniniwala, ikaw lang naman ang ninang ko na love na love ko kaya thank you po ulit sa bilo bilo." Sabay yakap ko sa kanya.

"O siya sige mag meryenda ka muna diyan at iwanan kita saglit at mag luluto muna ako ng gabihan natin ha?" Sabay labas ni Naty sa pinto.

Nang mawala sa pinto si Naty. Takbo naman si Gena sa kuwarto may naisip siya na kunin at gawin.

"Pagkakataon talaga, hihihi " . Nilabas niya ang kanyang cellphone. iphone 4s yun. Regalo sa kanya ito ng mama at papa niya noong 11th birthday niya sabi niya kahit wag na maghanda basta bilhan siya ng cellphone. Walang ka alam alam sila mama at papa na nag vla vlog na ako at the age of 11.

Marami na akong na upload na videos at at marami na rin akong subscribers. Pero wala silang alam sa real name ko. Ang pseudonym ko lang na @G . Okay lang naman iyon ayoko pagkaguluhan hihihi. Anyways magtatagal naman siguro si ninang kaya umpisahan ko na. Ni set ko ang recorder ng iphone ko. Nilabas ko rin yun side lamp at iba pang effects para mas maging maliwanag ang kuha ng video ko.

3 2 1

" Hello my G friends! Welcome back to my channel. Do you eat this kind of snack? Sabay angat ko at turo sa bowl ng bilo bilo.

"If no, I think you're missing half of your life! " Sabay inggit ko sa viewers.

" Sa mga di po nakakaalam ang tawag po dito ay bilo bilo." Sabay pakita ko ulit sa bilo bilo at pakita ng mga maliliit na bilog bilog na malagkit na siguradong pinag paguran i hulma ni ninang kanina. Ayun patuloy lang ang pagkuha ko ng video hanggang isa isahin ko ang ingredients at ang lasa at kung paano natawag na bilo bilo. Hindi ko namalayan na naubos ko na pala ang bilo bilo. Success nakatapos na naman ako ng isang vlog.

Dali dali ko ni upload yun na record ko at gumamit ako ng movie app at sound effects para mas maganda ang kalabasan ng vlog ko. Another success vlog. 😍😍😍
Hmm? Teka parang nabitin ako sa bilo-bilo makapag round 2 pa nga hihihi.
Ang tagal naman nila mama at papa anong oras na ba? Hala mag 7pm na pala ng gabi bakit kaya wala pa sila? Ahh siguro nag enjoy sila, sabagay minsan lang naman sila gumala. Ang swerte ko sa mga magulang ko kahit na ganito ako na mahina at sakitin gusto kong mag aral mabuti at maging proud sila sa akin.

Lame! Bitin! Sorry! 😂😂😂

A/N: Yay!!! May more than 100 reads na ako ehehe. Sa mga nag ba basa comment lang kayo kung di nyo maintindihan ang flow ng story na ito. Kung naintindihan nyo naman ei di salamat nyahaha!
Medyo mahaba haba pa ang ita takbo ng story na ito sana makapag hintay at abang kayo. Thanks for reading!

FOLLOW, VOTE, LIKE and COMMENT.
Pampa good vibes sa akin hihihi.

SOMEDAY ( TAGLISH ) [ONGOING ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon