"What? Kahit sino naman hahalikan mo eh. Nasa sayo kung sino pero sa lips, okay?" Sabi ni Mama. Tinignan ko ng maigi si Mama pero nakangiti lang ito sakin. "Go at hindi kita papayagan uminom." Dagdag nya.

Huminga ako ng malalim at tumayo. Nilibot ko ang paningin ko sa mga kasamahan kong nag-aabang sa gagawin ko. Napansin ko naman si Marceline na hindi interesado sa gagawin ko dahil nakatingin ito sa hawak nyang baso. Kanina kinausap nya ako tungkol kay Zaparta, gusto nyang magkaayos kami dahil hindi nya makausap ng matino si Zaparta.

Bumuntong hininga ako at naglakad. Napansin ko na nawala si Zaparta sa pwesto nya kanina kaya tumungo ako sa kusina pero bumalik si Zaparta. Hinarangan ko sya. Napansin ko na nagulat sya sakin. Napangiti ako ng palihim. Hindi na ako nag-aksaya ng oras. Hinawakan ko ang mukha nya at hinalikan sya. Ramdam ko ang paninigas ng katawan nya sa gulat ng ginawa ko. Bago ko sya binitawan ay ninamnam ko muna ang mga labi nya. 

Napaupo sya sa sahig pagkabitaw ko sa kanya. Sobrang pula ng mukha nya habang nakatakip sa bibig ang kamay nya. Tumingin sya sakin. Binasa ko ng dila ko ang labi ko habang nakatingin sa kanya kaya mas lalo namula ang mukha nya.

"Kyaah!!" Napatingin ako sa mga kasamahan ko na biglang tumili. Naghahampasan pa sila ng unan.

Napailing ako at ibinalik ang tingin kay Zaparta. Inabot ko ang kamay ko sa kanya para tulungan syang tumayo. Inabot nya ang kamay nya sakin. Hinila ko sya patayo. Nasobrahan ata ang hila ko para mapasubsob pa sya sakin. Naamoy ko ang pabango nya na simula bata 'yon na ang gamit nya. Hindi na nya pinalitan 'yon kahit amoy baby sya.

"So-sorry." Sabi nya at lumayo. Namumula pa din ang mukha nya.

"Oh tama na yan. Bumalik ka na dito, Kriza." Sabi ni Marceline. Nakangiti na sya ngayon. Gusto ko syang irapan kaso wag na.

Bumalik ako sa pwesto ko kanina. Hindi ko inimik ang dalawang katabi ko na nakatingin sakin. Sinilip ko si Zaparta na bumalik sa tabi ni Tita Alicia. Mukhang tinutukso ni Tita Alicia si Zaparta dahil hindi mawala wala ang pamumula ng mukha ni Zaparta.

Alas dose na ng madaling araw nang matapos ang party. May mga bagsak na sa sahig at tulog sa tabi-tabi dahil sa kalasingan nila. May ilan-ilan pa saming matibay na nag-iinuman kasama si Mama. Si Faith ay nakatulog na sa balikat ko habang si Lesley ay gising pa na nakikinig sa mga nag-iinuman. Katulad ko ay hindi sya masyadong uminom.

Inaantok na ako kaya nag-paalam ako sa kanila na matutulog na. Binuhat ko si Faith para ihatid sya sa kwarto nya. Sumama naman sakin si Lesley na ihatid si Faith. Hinayaan ko lang sya sa gusto nya. Pagkarating namin sa tapat ng magiging kwarto ni Faith, si Lesley ang kumatok at pinihit ang doorknob nung walang sumagot tsaka nya ito binuksan. Napataas ang kilay ko nang makita si Marceline sa tabi ni Blythe. Mahimbing na natutulog ang dalawa at nayakap pa si Marceline kay Blythe.

Ibinaba ko si Faith sa higaan nya at kinumutan sya. Pinagmasdan ko muna ito bago naglakad palabas ng kwarto. Hinintay kong isara ni Lesley ang pinto bago ako naglakad patungo sa kwarto namin ni Mama pero pinigilan ako ni Lesley. Pumikit ako saglit bago sya lingunin.

"You like her." Walang pangalan na binanggit kaya hindi ako sure.

"Who?"

"Faith." Tinignan ko sya ng maigi.

"So?" Sagot ko.

"Really?" Napairap sya. "May gusto ka kay Zap, may boyfriend ka tapos si Faith?" Iritang sabi nya. Kahit ganon ay maganda pa din sya.

"It's none of your business." Sabi ko at inalis ang pagkahawak nya sa braso ko. "Goodnight." Naglakad muli ako at hindi na ako pinigilan ni Lesley.

I don't like her. Nang dahil sa kanya ay naging mailap sakin si Zaparta. These past few days, sa tuwing nasa paligid si Zaparta ay gumagawa sya ng ikinaseselos ni Zaparta. Naiirita ako sa ginagawa nyang 'yon dahil nasasaktan si Zaparta pero hindi ko magawang magalit dahil madaming nakakakita samin. Pasalamat pa sya at hindi ko sya pinapahiya sa mga kasamahan namin. Pinagsasabihan ko sya kapag kaming dalawa lang pero tila hindi sya nakikinig sakin. Inaakit nya ako na hindi ko naman magawang maakit dahil hindi ko naman sya gusto.

Melting Ice Princess 3Where stories live. Discover now