"Kung ano man ang problema mo, wag mong idaan sa alak. Hindi alak ang solution sa problema." panenermon nya. Bumuntong hininga ako at sumandal sa balikat nya.

"Ang sakit eh." panimula ko.

"Si Eloi na naman ba?" tumango ako. "Hindi ka pa din ba susuko? alam mong wala kang pag-asa."

"Alam ko naman 'yon eh. Anong magagawa ko kung mahal na mahal ko si Eloi?" sabi ko. Tinignan ko ang mga kasamahan namin na nagkakasayahan. Ako lang ata ang malungkot dito.

"Simulan mong magmove on, yun ang gawin mo." sabi nya.

"Ayaw." napaupo ako ng maayos nang kurutin nya ako sa tagiliran. "Kailangan nakakurot?"

"Oo, tanga ka eh." inirapan ko sya. Inihilig ko ang ulo ko sa balikat nya.

"Ang sakit mong magsalita."

"Dinadagdagan ko lang yung sakit na nararamdaman mo para sumuko ka na." sabi nya. Hindi ako umimik. 

Parang naman kasing ang daling magmove on. Sinasabi lang nila 'yon dahil hindi nila alam ang nararamdaman ko. Ang hirap hirap kayang magmove on lalo na palagi ko syang nakikita. 

"Kailan ka kaya susuko." sabi nya pa. "Kailan ka ba matatauhan, Tyrant?"

"Hindi ko alam." sabi ko at nararamdaman kong patulo ang mga luha ko. "Bakit kasi hindi nya ako kayang magustuhan? hindi naman ako panget."

"Hindi ka dyosa." putakte talaga ang mga kaibigan ko, ni isa sa kanila walang sumopporta sakin.

"Bwisit kayo!" sigaw ko at padabog na umalis ng cafeteria.

Hindi ko na napigilan pa ang mga luha ko kaya minabuti ko na lang lumabas. Lalo lang kasi akong nasasaktan sa mga sinasabi nila. Hindi ko alam kung concern sila sakin o ano. Halatang ipinamumukha sakin na wala na talaga akong pag-asa kay Eloi. Miski sila Dite, hindi ako sinusupportahan. Nakakainis silang lahat!

"Bakit ka umiiyak?" napaangat ako ng tingin sa harapan ko. Halos mabunggo ko na pala si Eloi dahil hindi ako tumitingin sa daan.

"Wala!" sabi ko at nilagpasan. Umaasa akong pipigilan nya ako dahil nakita nya akong umiiyak pero hindi. Nakalayo na ako nang lingunin ko sya at nakita ko syang pumasok ng cafeteria. Lalo akong napaiyak dahil wala syang pakialam sakin.

Napaupo ako sa semento at doon napahagulgol. Ang sakit-sakit na ng nararamdaman ko halos pinaghahampas ko na ang dibdib ko para lang mawala ang sakit.

"Bakit kasi ayaw mong sumuko?" narinig kong boses ni Samantha. Naramdaman kong may pinatong sya sa balikat ko.

"Kung hindi mo pinakita ang litratong 'yon, hindi ko mararamdaman ang sakit nito ngayon." pinilit kong magsalita ng maayos habang pinipigilan kong umiyak dahil nandito na si Samantha.

"Gusto ko lang na matauhan ka na dahil gusto ko, hangga't maari, ilayo ka sa sobrang sakit ngayon palang. Kayang kaya ni Eloi na makuha si Kriza at wala kang laban doon." napakagat ako ng labi ko at napayukom ng palad. "Hindi lang yung litratong 'yon ang nasaksihan ko, Tyrant. Madami pa. At sa tuwing nakikita kong kasama ni Eloi si Kriza, iniisip kita dahil alam kong ikaw ang masasaktan. Wag mo sanang isipin na hindi kami nag-aalala sayo, gusto lang namin na sagipin ka sa nararamdaman mo kay Eloi." malambing na sabi nya. Ngayon ko lang narinig ang ganong tono kay Samantha na para bang sobra talaga syang nag-aalala sakin.

Napahagulgol ako at niyakap si Samantha. Umiyak ako ng umiyak sa kanya. Gusto kong ilabas ang lahat ng sakit na nararamdaman ko. Hindi ko na kaya.



Samantha's POV

Kahapon hindi nagpakita samin si Tyrant. Sabi ni Tita Torey ay nagmumukmok daw si Tyrant sa kwarto nya. Naiintindihan ko sya at sana sa pagbalik nya ay sumuko na sya. Walang wala syang mapapala kay Eloi kung ipipilit nya ang gusto nya. Mahal na ni Eloi si Kriza kaya napakahirap mangyaring magustuhan din ni Eloi si Tyrant.

Melting Ice Princess 3Where stories live. Discover now