Chapter 66 ♥ Forbidden (Part two)

Magsimula sa umpisa
                                    

Nagulat ako noong bigla nyang iniabot sa akin ang mga kamay nya. Full of epek and emotion pa. Para syang nagbibigay ng speech sa declamation. 

"Kunin mo na! Kunin mo na! Ang mga kamay kong ito ay wala ng naidulot na maganda! Ang pusong uhaw--" 

Sa pangalawang pagkakataon binatukan na naman sya ni kuya Niel.

"Aray naman!"

"O.A na Rico." 

Tinaasan ko sila ng kilay. "Buti naunahan mo ako kuya Niel. Ako sana ang babatok eh. Yung mas malakas. Yung tipong labas na ang utak. Sinapian na naman ang kaibigan natin."

"Hehe." kamot ni Rico sa ulo. Nag-peace sign sya sa akin. "Nandoon na ako eh. Nasa climax na ng kwento ko. Sayang, maniniwala na sana si babes."

May kinuhang bimpo si kuya Niel sa isang maliit na palanggana. Sandali nya itong piniga at ipinatong sa noo ni Jace na wala pa ring malay ngayon magbuhat kanina. 

"Anong nangyari?" dali dali akong lumapit. Naitulak ko pa nga yata si Rico sa gilid dahil naparinig ko ulit syang napa-'aray!'. 

"Nilalagnat si Jace. Kanina pa nga ito eh. Ayaw bumaba." 

Kinapa ko si Jace sa noo pati na rin sa leeg. Mainit nga sya. 

"Ano pang ginagawa natin? Ipunta na natin sya sa ospital!" Lalabas na ako ng pinto para tumawag ng ambulansya noong nahawakan ni kuya Niel ang braso ko. 

"Calm down. Pinatawag ko na kanina yung family doctor namin at chineck-up na nya si Jace. Ang sabi kailangan lang daw ng pahinga at ng maraming tubig dahil nadehydrate sya sa dami ng nainom na alak. All will be fine. Don't worry." 

"May sakit na pala sya kanina. Anong ginagawa mo kanina Rico?" tukoy ko tungkol kanina, noong dumating kami. Noong bumagsak si Jace kanina sa sofa. Ngayong naalala ko ito, ngayon ko lang napagtanto na hindi man lang iningatan ni Rico si Jace.

Binigyan ko ng tingin si Rico. 

"Hehe. Kanina pa namin pinipilit na palitan yung damit ni Jace kanina eh pero hindi sya makakalma. Kaya noong medjo nawalan ulit sya ng malay kinuha na naming pagkakataon yun ni Niel. Ang kaso dumating ka kaya iniwan ako ni Niel agad. Mabigat pala si Jace, hindi kaya ng muscles ko. Kaya...hehe bumagsak sya." 

"Yang damit na yan yung kanina pa nya suot." patuloy ni kuya Niel sa paliwanag ni Rico. "Kung bakit kasi nagpaulan pa sya eh. Pwede naman nyang isara yung bubong ng sasakyan."

Napahinto ako saglit. Hindi nila alam ang tungkol sa phobia ni Jace. 

"Nasaan ba sila Nathan at Shane? Umuwi na sila?" 

Kinuha ko ang bimpo sa kamay ni kuya Niel. Iniabot nya naman ito sa akin. Binanlawan ko ito saglit sa may maligamgam na tubig sa gilid bago piniga. Pinunasan ko ng bimpo ang mukha ni Jace.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin nagagamot ang sugat nya sa may labi. Idinampi ko rito ang bimpo. Gumalaw sya ng konti, halatang naramdaman nya ang hapdi. 

Humarap ako kay Rico. "Rico pwede mo ba akong kuhanan ng first aid kit?" Noong pinakuha ko kasi ito sa waiter sa bar kanina nawalan na ako ng oras para gamutin sya.

"Yes babes!" Pabiro syang sumaludo. Tumakbo si Rico sa labas ng kwarto.

"Nauna na sila kanina." sagot ni kuya Niel sa tanong ko tungkol kanila Nathan. "Pero kailangan na talagang magpalit ni Jace ng damit. Ayaw kasi nyang magpahawak kanina eh kaya medjo nahirapan kami." 

Listen To My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon