Special

112 4 1
                                    

Xian Dong

Busy ako sa paglalaro sa pc ko. Si Cherry blossom naman ay nakaupo lang sa tabi ko at nakapatong ang ulo nya sa kanan kong balikat.

Rinig kong napahikab sya ng pagkalakas lakas. Nabobored na tong babaeng to sigurado. Dalawang oras na akong abala sa pc ko habang nakaupo lang sya sa tabi ko buong laro.

"Puto intsik nabobored ako." Rejlamo nya sakin. Saglit ko syang sinipat pagkatapos ay ibinalik ko rin iyon sa pc.

"Teka lang last game na to." Sabi ko habang tutok na tutok sa laro. Alam kong inirapan nya ako. Hindi man kita ng mata ko, alam ko na kung gaano kasira ulo tong jowa ko.

Hindi sya nagsalita at pinaglaruan nya ang kwintas ko. Minsan pinaglalaruan nya rin ang buhok ko pero hindi ko sya pinapansin. Pinapatapos ko na lang tong laro ko.

"Puto intsik naman eh." Pagdadabog nya. Mahina lang akong tumawa at nagpatuloy.

Marahas syang huminga. Isinubsob nya ang mukha nya sa balikat ko at inamoy amoy ang pabango ko.

Tsk baliw na baliw talaga ang haponesang to pagdating sakin.

"Luv." Pagmamaktol nya.

Hindi ko sya ulit pinansin. Mamaya na muna chery blossom! Importante to!

Mga ilang minuto ay tumigil na rin sya sa pag ngangawa. Akala ko okay na pero ng ibinaon nya ang mga ngipin nya sa balikat ko ay bigla akong napasigaw ng pagkalakas lakas.

Tumayo sya na may pilyang ngiti sa mga labi nya. Sinamaan ko lang sya ng tingin. Umatras sya ng ilang hakbang at tinawanan lang ako.

"Bumalik ka dito." Pagbabanta ko.

"Bored ako.." Nagkibit balikatlang sya kaya mas sumalubong ang kilay ko.

"At dinamay mo pa ang balikat ko sa pagiging bored mo?" Namaywang ako at tumayo. Tumingala sya sakin dahil masataas ako sa kanya.

"Buto't balat ka na kasi, palibhasa hipon lang kinakain mo." Binelatan nya ako kaya sinamaan ko sya ng tingin.

"Halika dito." Lumapit ako sa kanya pero umatras rin sya at tumawa ng mahina.

"Ikaw na lang kakainin ko." Ngumisi ako. Unti unting lumaki ang malaki nyang mata at namula ang pisngi nya.

"Manyak!" Sigaw nya sakin. Dinuro duro nya ako." Wag kang lalapit sinasabi ko sayo babalatan kita!" Pagbabanta nya. Tumawa lang ako

"Manyak ako para sayo luv. Tara na! Kakainin pa kita." Hindi pa ako nakahakbang agad naman syang kumaripas ng takbo.

Naghabulan kami sa buong bahay. Ako tumatawa habang sya naman ay sinisigawan ako. Mga ilang minuto rin ay agad ko syang hinuli at niyakap.

"Break na tayo! Di na kita love." Tumawa lang ako sa sinabi nya. Stubborn.

"Bahala ka. Basta I love you." Bulong ko.

"Wo ai ni." Sa sobrang panggigil ko sa kanya halos mapisa na sya sa mga halik ko sa pisngi nya.

"Oo na!" Pagsuko nya dahil hindi ko pa sya tinatantanan sa panghalik sa kanyang pisngi

"Suki da yo." Ngumiti ako dahil sa tugon nya.

See? Nabaliw na kami para sa isa't isa.

STOLEN (Winwin x Sakura)✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon