79

83 3 0
                                    

Halos madapa na ako kakatakbo sa kabuuan ng airport. Hinanap ko pa iyong lalaki kung saan. 5 minutes na lang at flight nya na.

Pinasakay ako ni Yuhan Oppa at ng buong squad ko nasa labas hinihintay ako

Hingal na hingal na ako. Ng tumigil ako para tignan ang palibot ko doon ko nakita si Xian.

Ang ulol may bitbit na maleta. Iiwan talaga ako ng gunggong. Nakaupo sya ngayon habang hinihintay ang flight nyam Dali dali naman akong nakipagsiksikan sa dami ng mga walangyang taong wrong timing.

Sisigaw ko na sana ang pangalan nya ng makita ko iyong babaeng malandi na nanghalik sa kanya--- Ay di pala sya hinalikan. Nilandi lang.

Gaga!

Kita ko kung paano nya ayusin ang buhok nung intsik. Peste ang landi talaga. Aba't! Hahalikan nya pa sa labi!

Maabutan lang kita kalbo ka talaga. hanggang anit mo babalatan ko.

Tumakbo ako papalapit sa kanila ng ilang dangkal na lang lapit ng babae at walang habas kong hinampas sa babae ang dala kong diary ni Xian.

"Malandi ka!" Hindi pa ako nakuntento at hinampas ko pa sya ng hinampas hanggang sa matumba sya sa sahig.

"Xian!" Aba't kapal ng mukha na manghingi ng tulong!

Di ako nakuntento at sinakyan ko na ang dinuguang taiwan shell at sinubunutan.

"Bwisit kang taiwan shell ka!" Hindi na sya makapanglaban sa powers ko kasi sinakyan ko na nga sya.

"Cherry!" Inawat na ako ni Xian pero di parin ako nagpatinag, siniko ko sya at pinatuloy ko pa ang pagbugbog sa babaeng taiwan shell.

"Gigil mo ako!"

Marami nang nakatingin samin pero parang nawalan ako ng hiya.

Inawat na kami nila yuhan oppa at ni Hanna.

"Tama na! Cherry!" Awat sakin ni Yuhan oppa.

"Bitawan mo ko!"

Umiiyak na yung taiwan shell habang gulo gulo na ang buhok nya. Nagpapaawa pa ang gaga sa intsik.

"Xi, kita mo naman ginawa nya sakin"

"Aba! Gaga ka ah" this time sila hanna na ang sumugod kay taiwan shell.

Grabe na ang gulo namin. Si yuhan at xian lang ang umaawat tapos andami namin.

"Tama na! Hanna!"

Buti na lang dumating sila Miggo.
Inawat nila ang mga kaibigan kong nagtulong tulong dun sa kay Mao.

Pinatayo ni Miggo si Mao.

Peste ba't ang sama ng tingin ng babaeng to sakin?

Nagpumiglas ako kay yuhan at sinipa yung babae na nagtago naman sa likod ni miggo.

Ha! So bago nanaman ang lalandiin nya? Si miggo nanaman?

Ng nabitawan ako ni yuhan oppa si xian nanaman ang umawat sakin.

Ay nandito pala sya

Nagpumiglas ako kay xian at walang sabi sabi ko syang sinampal. Nagulat ang lahat. Pati si xian.

Hinila ko ang kwelyo nya.

"Gago ka! Pagkatapos mo kong patakbuhin dito manlalandi ka pa!"

Magsasalita na sana sya kaso hinalikan ko na para manahimik. Rinig ko ang pagsinghap nila hanna.

Ng matapos ko syang halikan hindi ko parin binitawan ang kwelyo nya.

"Makuntento ka! Hindi iyong halik ka ng halik sa iba!" Sigaw ko sa mukha nya.

Hindi sya nagsalita at unti unting umangat ang gilid ng labi nya. ABA NGINITIAN LANG AKO!


"Love."

Natigilan ako.

"I love you."

Tarantado ka! Tinakot mo ko. Akala ko iiwan mo na talaga ako.

STOLEN (Winwin x Sakura)✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon