9

118 7 0
                                    

Cherry Miyawaki

"Ano pang kulang?" Tanong nya...

Nandito kami ngayon sa mall. Iyong mga hudas kasi naming classmate kami ang pinabili ng mga materials.

Nananadya talaga ang mga iyon eh

"Wala na---AY KABAYO!!!PUTANGINAMO!!"

Pinagtinginan ako ng mga tao. Bwisit kasi tong lalaking kasama ko. TAKUTIN BA NAMAN AKO NG MASKARA NA BINILI NAMIN? BWISIT MAS PUMANGIT PA MUKHA NYA!!

"Bwisit ka!! Punyeta!" Sinipa ko sya at nagwalk out na ko sa sobra kong kahihiyan. Iyong dugyot naman ay natatawa lang na sumunod sakin.

"Ang oa mo." Natatawa nyang ibinalik sa paper bag ang maskara na kamukha nya.

"Hoy intsik, tumino ka kahit isang oras lang, peste pinapainit mo dugo ko." Iyan! Binungangaan ko na sa sobra kong inis. Kanina pa kasi tong gagong to, Nasa bahay pa lang nila nilalaga na nya dugo ko.

"Problema mo ba sakin?" Tanong nya habang inaayos nya iyong mga paperbag na pinabitbit ko sa kanya.

"Mukha mo." Nakasimangot kong sagot

"Wow ah, dati nga patay na patay--" di ko na pinatapos ang sasabihin nya pa dahil tinakpan ko na ang walang pakundangan nyang bibig.

"Wag ka nang magsalita bago pa madagdagan problema ko sayo." I rolled my eyes.. halos tumirik na mata ko.

"Sus--"

"Manahimik ka nga intsik! Puta naman!" Itinaas nya ang dalawa nyang kamay na may paperbag at sumunod lang sakin.

"Uy ang sweet nila oh."

"Kawawa naman iyong lalaki."

"Sana magkajowa rin ako ng ganyan kagwapo at ganyan kabait."

Aba! Nangarap kayo teh? Sige inyo na tong kurimaw na to...mamalasin kayo.


Ng nakalabas na kami ng mall bigla akong napatigil ng tumigil din sya. Mukha nga kaming tanga ngayon. Takang tinignan nya ako at ganun rin ako sa kanya.

"Bakit ka tumigil?" Tanong nya.

"Tumigil ka din naman ah."

Hindi pala kami tanga. Sya lang iyon, matino ako pag malayo ang intsik na to, pero kapag kasama ko to naku!!!! Nagmamalfunction ang utak ko.

Nagtitigan pa kami ng ilang segundo. Pinagtitinginan pa kami ng mga tao dahil nakatigil pa kami sa harap ng exit ng mall.

"Anong tinitingin tingin mo?" Sabay naming tanong.

"Uh excuse me lang ah, nakakasagabal kayo sa daan." Pareho naming tinignan ang gwardya.

"Ay sorry po.." Nginitian ng intsik iyong gwardya tapos hinila nya ako kung saan.

Shet, bakit ang cute ng nilalang na to? Pati si Yuhan at Vince Oppa nababakla sa kanya.

Pero mas cute ako okay. Kuko ko lang iyan. Pwe!

"Ikaw na lang ang magdala nito sa school." Binigay nya sakin iyong mga pinamili namin. Ako naman umawang ang bibig ko.

Gago?

Iiwan nya ko dito? Hoy wala akong pamasahe! Hoy!

"T-teka saan ka ba pupuntang mokong ka?" Hinila ko ang manggas ng damit nya ng akmang tatalikod ito.

"May date pa ako." Halos nagsalubong ang kilay ko sa sinabi nya.

Aabsent sya para sa date?

Teka pake ko naman? Natural lang iyan sa kanya kasi malandi sya. Oo tama babaero sya kaya wala kang pake kapag bumagsak sya.

"Gotta go..." Mas nagsalubong pa ang kilay ko ng kinindatan nya ako. At iyon nga. Iniwan nya ako ng ganun ganun lang.

Bwisit ka talaga Xian Dong. Di ka talaga nagbabago.

STOLEN (Winwin x Sakura)✔Where stories live. Discover now