40

74 4 0
                                    

"Asan na ba iyong intsik na iyon?" Nakasalubong ang kilay ko habang hinahanap ko sa buong campus iyong lalaking intsik.

Sya iyong magbabantay ng booth pero heto nanamam sya. Bigla na lang nawala. Peste talaga. Uunahin pa talaga ang kalandian noh?

Napagdesisyunan ko na lang na pumunta sa canteen para kumain kasi nakakabanas maghanap sa intsik na iyon. Duh ang init kaya! Masisira iyong kutis ko dahil lang sa kanya? Ano sya?

Hindi pa ako nakakisang hakbang may dalawang kamay agad na humila sakin.

"Peste--"

"Inutusan lang po kami ate sorry."

Luh anong gagawin ng mga to sakin? hoy! May booth pang naghihintay sakin!

Halos hilain ko pati iyong dalawang humatak sakin dahil nakita kong papunta kami sa jail booth.

"Ano nanamang kalokohan to?"

Waaaaahhhhhhhhhhhhh mamamatay ang nagkulong sakiiinnnn

Bakit nila ako kinulong? Hala anong gagawin ko dito? Mangungulangot? Sinong tutubos sakin?

"Sa wakas masosolo na rin kita"

Halos tumalon lahat ng organs sa katawan ko dahil sa gulat. Err para kasing manyak pakinggan.

..

Tapos lalo na kapag galing sa isang intsik.

"Luh bakit ka nandito?" Pinagmasdan ko iyong pogi nyang mukha? Shet ba't mas babae pa syang tignan kesa sakin?

"Ahhhh kasi malandi at manloloko ka, kaya naman mas minabuti nila na ikulong ka dito para di ka na manghasik ng lagim sa labas....nice one." Tumango tango pa ako para pandagdag sa sarcasm.

Ay sasabihin pa sana ako pero bigla na lang tumikom ang bibig ko ng tinitigan nya ako ng pinakaseryoso nyang titig.

Err nagugutom na siguro ako...nakikiliti iyong tyan ko.

"Ganyan ba talaga ang tingin mo sakin?"

Hala ba't ang seryoso ng taong to? Di ba pwedeng magjoke? Pero totoo naman yon eh.

"Oo" confident kong sagot.

Umiwas sya ng tingin sakin at sumandal sya sa pader.

"Bakit?" Tanong nya ulit.

Ay ano toh? Bakit parang ang serious ng atmosphere, lithosphere, hemisphere?

"Marami kang babaeng pinapaasa."

Hindi sya nakasagot.

Kasi alam nya naman na obsessed ako sa kanya noon. Isang salita nya lang sakin kaya kong magpakatanga sa kanya. noon iyon.

Pero wala pa rin namang bago kahit ngayon. Talagang may pride na akong inaalagaan. Na dati ay wasak na wasak dahil sa kanya.

"Sorry."

Hindi ako nakasagot. Wala na eh. Nagsorry na sya, kuntento na ba ako?

"Pero seryoso na ako ngayon cherry, ikaw ang dahilan kung bakit nakikipagdate ako."

Nilingon ko sya ulit ng may nagkasalubong na kilay.

"So sinisisi mo ba ako kung bakit malandi ka?" Umimit bigla yung dugo ko ah.

"Oo--" di ko na pinatapos ang sasabihin ng gago kasi sinakal ko na sya hanggang sa mamatai.

"K-kasi mahal k-kita!" Natigilan ako sa pagsasakal sa kanya.

Ano?

"Naghanap ako ng ibang babae na makakatulong sakin na makalimot. Kasi huli na ako! Pinaasa na kita, paano ko naman ibabalik iyong dating  tayo?"

Natulala ako dahil sa sinabi nya.

Maniniwala na ba ako?

Kasi baka hopya nanaman ang ending.

"Cherry, please bigyan mo ko ulit ng chance."

Bakit parang ang desperado nyang pakinggan? Mahina lang ang puso ko pagdating sa kanya puta sya.

Iyong peste kong mga luha.

Hahawakan nya na sana iyong mukha ko pero tinabig ko lang ang kamay nya.

"Hoy! Anong milagro iyan?!" Bigla kong narinig ang boses ni Kriza sa labas.

Ngayon ko lang napansin na nakaupo na pala ako sa kandungan nya tapos sinasakal ng mga kamay ko iyong leeg nya.

Bigla akong tumayo na parang wala lang may nangyari. Kasi wala naman talaga. Malisyosa lang tong magbespren na to.

Pinahid ko iyong mga peste kong luha at humarap sa dalawa--tatlo pala.

.

Bakit nandito si Miggo?

"Hoy cherry akala ko ba conservative ka?" Nakapameywang na tanong ni Kriza.

"Malisyoso ka lang, pakasal ka na kaya sa kay Prince?"

Pansin kong namula ang mukha nung dalawa.

See?

I can see the feelings.

Mga indenial pa kasi.

"Bestfriend lang kami." Ginaya gaya ko pa ang famous line ng dalawa na may pagka exaggerated.

Pagkalabas na pagkalabas ko agad akong nagpaalam at nagpasalamat sa kanila. Tumakbo ako kaagad palabas ng campus.

Magpapahinga muna ako.

Kasi sa ilang minutong iyon. Napagod agad iyong puso ko na ilang taon ko nang pinagpahinga.

STOLEN (Winwin x Sakura)✔Where stories live. Discover now