19

90 6 0
                                    

Nakabusangot ang nguso ko habang naglalakad ako papunta sa cafeteria.

Iyong mga walangyang classmate ko hindi sumipot sa meeting namin. Nag cr lang ako tapos pagbalik ko nawala na pala silang lahat.

Nagkataon pang nandoon iyong puto intsik na iyon.

Bwisit sya.

Bakit ba kasi ang pogi nya? Iyan tuloy salot sa lipunan. Puro hipon na lang ang kinakain.

Nababanas ako sa mukha ng dimunyung iyon. Mabuti pa kung kumain na lang ako.

Bakit ba kasi missing in action iyong mga impakta kong mga kasquad? Ni isa lang naman? Kahit si Elaine Unnie na lang? Titiisin ko kahit boring sya.

Pagpasok ko ng cafeteria agad akong lumapit sa counter tapos nag order ako ng mga puds.

Naghanap ako ng desenteng mapepwestuhan. Iyong malayo sa mga evil forces na namumuhay sa kapaligiran na lalo pa't nadagdagan ng nakakainis na ingay na nagmumula sa mga mocha girls...Tsk tsk tsk. Ako pa ang hot topic nila ngayon.

Hot ako bow..

Kala mo kung makaingay sila may ari ng earth. Excuse me...mahiya naman sila kay Quiboloy at sa gold nyang doorknob.

Napabuntong hininga na lang ako at umupo sa natipuhan kong pwesto. Nawa'y maibsan ang mga masamang elemento na kumakalat sa paligid ngayon sa pamamagitan ng aking mapayapang pag kain.

Shet ang cherep ng puds.

Lalamon na sana ako eh. Iyon na sana eh.

Kaso may problema.

Nagpapasalamat ako sa mahabaging poon at kung hindi dahil sa kanya ay tuluyan na akong nilamon ng masamang elemento ng kapaligiran.

May nakita akong anghel

Hehehehehe eng cherep nyeng tetegen.

"Cherry" ngumiti sya sakin na may kasamang padimples.

Shet shet shet.

Ampogi ng Jeffrey Star na to.

"Sige, wala naman akong kasama ngayon eh, pwede ka namang umupo dyan." Ngumiti ako ng may kasamang eyesmile para mas maganda.

"Hindi, may ibibigay lang ako." Nadismaya naman ako. Hindi nya ba ako lalandiin?

"Pinapabigay ng pinsan mo." Inabot nya sakin iyong pink na card at iyong rose na candy.

Luh. Di ko iniexpect na incest si Yuhan Oppa.

Orrr....

Hmmmm...

Baka naman pasimple lang itong si Jeffrey, tapos type nya pala ako. Tapos sa kanya pala talaga nanggaling to.

Hihihihihihihihi

Pansin kong napasulyap sya sa kanan namin kung nasaan ang mga mocha girls na kung makatingin sa kanya halos hubaran na sya.

Nilingon ko naman ang mga impokrita.

Ay hindi pala sila.

Kasi may nakita akong puto intsik na nakaupo sa kabilang bahagi ng cafeteria tapos nakahalumbaba na parang nagpapacute habang nakatingin sya saming dalawa.

Ang cute nyang tignan sa eyeglasses nya.

Pero dimunyu iyan mga bes kaya wag kayong maakit. He is here to drag you to hell mwa ha ha ha ha.

"Pfft" nilingon kong muli si Jeffrey. Nagpipigil sya ng tawa dahilan kung bakit biniblessingan nya ako ng dimples nya.

"Sige mauna na ako cherry." Nginitian nya ako ulit kaya naman malandi akong nagbabye sa kanya.

Kumikislap ang mga pretty eyes ko habang sinusundan ko sya ng tingin.

Hayyysss ampogi nya. Malapad ang likod, matangkad, maputi, mabait, macho

Di tulad nung kilala ko na payatot, paasa, pilosopo tapos manhid.

Teka bakit parang may naaamoy ako na pamilyar? Bigla na lang dumilim ang paligid dahil siguro sa evil force na hatid ng taong nasa likod ko.

"Cherry Blossom."

Shit

Putanginamo

I'm doomed

STOLEN (Winwin x Sakura)✔Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora