36

81 4 0
                                    

Pasipol sipol akong naglalakad sa kalsada. Gutom ako kaya naman tumakas muna ako sa bahay. Ginamit ko iyong fire exit namin sa bakuran para di ako makita ni mama.

Agad agad akong tumakbo sa tindahan nila Cerise para bumili ng chichirya.

"Ayoo."

Halos mabasag ang salamin nila dahil sa mga barya ko. Pero bigla na lang akong natigilan.

Ay mga pinoy pala talaga sila dito. Di sila nakakaintindi ng japanese.

"Tao po..." paulit ulit ko pang kinatok ang estante nila hanggang sa inis na bumaba si bruhang Cerise.

"Hoy babae mababasag mo na iyang estante namin. Mahal pa iyan sa tuition ko." Saway sakin ng bruha.

"Kung ganyan ang bati mo sa mga costumers mo malulugi talaga kayo." Nagkibit balikat lang sya sakin.

"Ano bang bibilhin mo?" Tanong nya sakin.

"Jowa teh kung pwede, may jowa ka ba dyan?" Tanong ko.

"Ay wala beh, hanap ka na lang dyan sa kabila, marami dyan tutal bayaran naman iyan eh." Kinindatan nya pa ako kaya natawa na rin ako.

Kapitabahay pala nito iyong bakekang na jowa ni Luke. Pfft.

"Baliw, kunan mo na lang ako dyan ng chichirya, tinatamad akong mapanis sa bahay kaya dito muna ako." Pabagsak akong umupo sa kalapit na upuan.

"Edi wao, kunan na lang kita ng mesherep na pandesal."

Hindi ko na pinansin ang babae dahil bigla kong nakita iyong bakekang na lumabas ng bahay nila.

Luh sino iyong kasama nya?

Pamilyar sya ah.

Hmm.

.

AY IYONG PINSAN NUNG PUTO INTSIK.

luh anong ginagawa nyan dyan?

Kumunot na lang ang noo ko at di na lang sila pinansin. Pero bago pa nawala ang tingin ko bigla ko ulit itong itinuon sa kanila.

"Oh beh ito na iyong mesherep mong pandesal." Hindi ko pinansin si Cerise dahil bigla kong nakilala iyong taong bagong dating.

Nanlaki ang malaki kong mata ng bigla itong hinalikan ni bakekang sa pisngi.

What the f--?

Tss taksil na jowa, kala mo maganda.

Tayo'y magdasal para kay Luke Wong. 1 like 1 prayer lang po.

"Luh beh, diba si Miggo iyon?" Turo ni Cerise doon sa lalaking bagong dating.

Teka.

Oo nga

Sya nga

Dumating na pala sya?

Hala bakit nandyan sya sa bahay ni Bakekang?

Bigla na lang syang lumingon banda samin at ngumiti sya ng makita nya kami.

Shit.

Ampogi hihihihihihihihi

Lumapit sya samin kaya kumsilap naman iyong pretty eyes ko ng makita ko ng malapitan ang makinis nyang feslaks.

"Cherry, cerise. long time no see." Nagulat na lang ako ng bigla nya akong niyakap.

Oh dear lord. Parang nakuryente ang malandi kong whoremones amp.

"Pabili ngang pepsi." Napalingon kaming tatlo ng may narinig kaming boses.

Halos magsalubong na ang kilay nya at napakadilim na ng mukha nya.

"Oy Xian."

STOLEN (Winwin x Sakura)✔Where stories live. Discover now