69

69 4 0
                                    

02/10/2017

Marami nang babae ang nakita pero iisa lang ang babaeng hindi maalis alis sa kukote ko.

02/15/2017

Bakit hindi ko sya kayang hindi tignan?

02/21/2017

Isang napakagandang araw para malaman ang pangalan nya. Cherry Miyawaki sana mapansin mo ako.

02/23/2017

Masaya syang kausap. Ang cute nyang magsalita. Lahat sa kanya maganda lalo na ang ngiti nya

02/29/2017

Kaibigan...kaibigan nya na ako ngayon. Kaibigan lang

03/06/2017

Nakasama ko sya buong araw. Napakasaya ko. Hindi ko kayang kalimutan ang mga tawa nya.

03/12/2017

Malapit na kami ngayon. Pero talaga bang manhid sya para di mapansin ang mga titig ko?

04/26/2017

Isang buwan na kaming magkaibigan. Naiinis na ako pag may lumalapit sa kanyang lalaki. Puta sila

05/24/2017

Sa wakas nasolo ko rin sya. First time kong pinagpawisan ng malamig dahil sa isang babae.

06/22/2017

Niligawan ko na sya. Pero may isa nanamang babae ang nang aabala ng tahimik kong buhay

07/03/2017

Niyaya ko syang makipagdate pero bakit palagi na lang sagabal si Alessana?

07/29/2017

Gusto kong sabunutan ang sarili ko. Bakit ba ako umoo kay alessana? Ngayon kailangan ko tong panindigan bwisit. Iisa lang ang mahal ko. Si cherry

09/27/2017

Kasama nya pala ngayon si Miggo. gusto ko sya ngayong lapitan pero wala na akong magawa kasi nandyan si alessana para sakalin ako.

10/27/2017

Sa wakas nakalaya na rin ako sa babaeng iyon. Iisa lang ang pumapasok sa isip ko ngayon. Si cherry.

10/30/2017

Wala na ba talaga akong pag asa? Ayaw nya na. Kasi pinaasa ko daw sya.

STOLEN (Winwin x Sakura)✔Where stories live. Discover now