74

70 3 0
                                    

Kahit pinapapak na ako ng lamok hindi parin ako umalis sa harap ng bahay nila.

Kahit gabing gabi na wala akong pakealam basta lumabas lang sya.

Hinintay ko yung reply nya pero sineen lang ako ng gago.

Susuko na sana ako. Aba! Feeler sya at pinaghintay nya pa ako sa harap ng bahay nya?

Tatalikod na sana ako pero bigla kong narinig ang tunog ng pagbukas ng pinto nila.

Humarap ako ulit at nakita ko nga.

Lumabas nga sya.

Gusto kong ngumiti ng malapad ngayon pero pinigilan ko. Hindi to time para sa kasweetan. Seryoso ang atmosphere ngayon.

"Bakit ka nandito? Tignan mo pinapapak ka na ng lamok."

Binalot nya ako ng jacket nya. Bigla namang namula iyong mukha ko.

Iniimagine ko to araw araw. Yung feeling na ganito sya ka caring sayo. Yung feeling na may jowa kang kasing pogi nya. Pwede nang hindi bumili ng ulam araw araw dahil sulit na yung abs nya----

K tatahimik na ko.

"Gago ka."

Pumikit sya ng mariin ng marinig nya ang mura ko sa kanya. Ha! Dapat lang iyon.

"Pagkatapos nung sa labas ng restaurant. Pagkatapos kitang sabihang mahal kita aalis ka lang? Malalaman ko lang na aalis ka ng bansa?" Halos tumaas na ang boses ko.

"Sorry."

Kinamot ko ang ulo ko sa inis.

Sorry na lang ba ang alam nyang salita ngayon?!

"Di ko kailangan ng sorry mo!" Pinagtaasan ko na sya ng boses dahil sa inis.

"Palagi mo na lang akong tinatakbuhan pagkatapos mo kong saktan! Wala ka na bang iba pang technique dyan?! Bwisit kang intsik ka!" Gusto nang tumulo ng luha ko pero pinipigilan ko lang.

"Space ang kailangan mo cherry, alam ko yun. Kaya linalayuan kita."

Bwisit lang xian....

Pakinggan mo din naman ang sasabihin ko bago ka alis ng alis.

STOLEN (Winwin x Sakura)✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon