[11] Eleventh Scalpel

Start from the beginning
                                    

Macey nodded her head. Trying to calm down herself. Unti-unti niyang minasahe ang kamay nito, at nanatili ang tingin niya sa dalaga na nakatitig din sa kaniya. They were like that until he realized that Macey is finally calm. Ilang beses siyang napakurap bago tumikhim at nagsalita.

Pasimple niyang inalis ang pagkakahawak sa kamay ng dalaga at umiwas ng tingin. "Feeling better?"

Tumango ito.

"O-Oo..." ginalaw nito ang sariling kamay. "Thank you, Jaxon."

Kumunot lang ang noo niya bago tumayo. "I'll go get some water." Akmang maglalakad na siya papaalis nang hawakan ni Macey ang braso siya para pigilan siya.

Umiling ito at matamlay na ngumiti habang nakatingala sa kaniya. Hindi niya alam kung bakit naiirita siya sa ngiti nito. Maybe he was just used to see her smiling witty or rather with genuine happiness. Yung may binabalak. Hindi bagay sa kaniya ang malungkot.

"Huwag na. Uuwi na ako."

Awtomatikong bumuka ang labi niya para sumagot. "Nakauwi kana."

Macey's forehead creased, and after a while of realization, her lips formed into a smile. "Ikaw ah. Kailangan ko lang palang magkasakit para mapansin mo ako."

Napabuntong hininga siya at namulsa. "Umasa ka naman."

"May aasahan naman ako." Macey replied before standing up. "Uuwi na ako, Jaxon."

Kinunutan niya lang ito ng noo.

Macey smiled at him, but it didn't meet her eyes. "Thank you, Jaxon." And then she grinned. "Sa uulitin ah."

Macey walked away, and he already heard the door closed, but he remained standing. Napahawak siya sa sentido bago siya nanhihinang napa-upo sa sofa na pinaglapagan niya sa dalaga.

Macey, what I'm gonna do with you?


***

"HOW IS SHE?" Macey asked while her hands were inside the pocket of her scrubs. Kakatapos lang ng operasyon na ginawa niya kaninang umaga na tumagal ng anim na oras. Hindi naman siya nakaramdam ng pagod kahit matagal na oras isyang nasa loob ng operating room at siya pa ang nanguna, kaya napagdesisyunan niyang bisitahin muna ang kaibigan na mag-iisang linggo ng naka-confine. And then she saw, Spy, doing her check up on her.

"Still the same." Sagot nito.

Napabuntong hininga siya. "She's improving. I can see it."

"A bit,Macey. Hindi ko alam ang plano nila tita kay Arce..."

"Hayaan mo muna silang magdesisyon. Mas mahirap sa kanila ang nangyari kay Arce. Mahirap din para sa kanila ang magdesisyon para kay Arceloisthe." Pag-aassure niya sa kaibigan. "Sige na, Spy. Ako na bahala dito."

"Sige. Pupuntahan ko muna si Russel." Napatingin ito sa kaniya na para bang may napagtanto ito. "Ay, naglunch ka na ba?"

Macey shook her head. "Not yet. May food naman siguro sa room ni Arce, doon nalang ako kakain."

"Mayroon doon. I-reheat mo nalang."

Tumango siya. "Sige, thank you."

Nang makaalis ang kaibigan ay tsaka lang niya pinihit ang door knob at binuksan ang pintuan para makapasok sa loob. She immediately saw her bestfriend, Arceloisthe lying on her bed, while staring at the ceiling.

Naglakad siya papalapit sa kaibigan. "Hey, Arce." Bati niya. Arce just blinked and then she saw tears came out from Arce's eyes.

Umupo siya sa gilid ng kama nito. "Arc, talk to us please?"

The Broken Scalpel [Ace Lucifer's Series Two]Where stories live. Discover now